Chapter 136

883K 34.6K 18.8K
                                    

Falling In Love

Jay-jay's POV

"WHERE HAVE YOU BEEN?!" Galit na bungad sakin ni Keifer habang naka-cross arm.

Kamot batok ako'ng tumingin sa ibang direksyon. "...L-late na ko nagising."

"Sabi ni Ci-N, may pinuntahan ka daw." Sabi ni Yuri.

Agad kong hinanap ang bata'ng kumag. Luko'ng yun! Sinabi ng sabihin na nalate ako ng gising.

"M-meron nga... K-kaya nga ang tagal ko diba?" Palusot ko.

Pero masama pa rin ang tingin sakin ni Keifer. Nakayuko ako'ng dumaan sa harap nya.

"Bakit hindi mo sinasagot yung phone mo?" Maotoridad nya'ng tanung.

"K-kasi... Anu... Alam kong ikaw yung tumatawag." Sagot ko at agad na tumakbo palayo sa kanya.

Hehehe.. Ang bad ko ba!

"Pwede next time, sabihin mo agad samin. Nag-aalala kami sayo. Panu kung maulit yung insidente sa inyo ni Rory?" Nag-aalala lang sabi ni Yuri.

Napayuko nalang ako. "S-sorry... Promise! Next time." Sabi ko sabay taas ng isang kamay.

"Wooohhh... Promise! Promise! Hindi yan matutupad." Pang-aasar ni Eren kaya tinignan ko sya ng masama.

"Promise are meant to be broken." Gatong ni Ci-N.

Aba!

Pagtulungan daw ba ko. Mga impakto'ng to!

"Pero saan ka talaga galing Jay?" Tanung ni Kit.

"*Ubo*...A-anu... Dyan lang..." Pabulong kong sagot.

Hindi ko masabi ng maayos. Hindi ko alam kung anu'ng lugar yung sasabihin ko.

"Anu?" Tanung nila.

"Anuuuu... Dyaaannn... Saaaa..." Mahaba kong sagot at hinintay naman nila yung sasabihin ko.

"Kung ayaw mong sabihin... edi wag!" Galit na sabi ni Keifer at dumiretso sa upuan nya.

Hinayaan nalang din ako ng iba at naupo na sila. Sakto naman at dating ng sunod naming teacher.

Habang nagkaklase, hindi ko maiwasan na hindi tignan si Edrix. Naalala ko kasi yung sinabi ni Kiko sakin. Muka'ng na-inlove sya sa maling tao.

Pero anu kaya'ng nangyari sa kanya at napunta sya sa tatlo na to?!

Meron nga pala'ng sinabi sakin si Rakki dati. Yung may something daw kay Aries at Freya dati. Hindi kaya yun yung sinasabi ni Kiko?

Wala ako'ng pwedeng sabihin kay Edrix. Wala din naman kasi ako'ng balak tulungan sya. Hindi sa naninira ako o anu pa man. Pero ayoko si Freya para sa kanya.

Alam kong mapang-husga yung dating pero kasi... Hindi pa ko sigurado sa totoong nangyari sa kanya at sa pagitan nung tatlo. Baka mamaya, masaktan lang sya ulit.

Natapos ang subject namin ng ganun-ganun nalang. Kasi naman, mahirap makinig sa klase ng maraming iniisip.

"Jay-jay..." Tawag sakin ni Eren.

Tinignan ko sya at sinesenyasan nya ko'ng lumabas ng room. Sumunod naman ako sa kanya. Pagdating sa labas, akala ko may kailangan sya pero hinatak nya ko papunta sa hagdan.

"A-anu tayo?" Tanung ko sa kanya.

"Si Mayo kasi..." Sabi nya at tumingin sa pinto ng room namin sandali. "...Kinukulit nya ko. Nakiki-usap na tulungan ko sya kay Kit."

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon