Chapter 54: Mime vs Black Imp

3.1K 136 0
                                    

Date Published: January 27, 2017

==================================================================

Dumako muna tayo kina Francis at Christine.

****

Francis POV

Andito kami ni Christine sa left wing, lahat na pinto na madadaanan namin ay binubuksan ko para tingnan pero lahat ay laman kaya pinagpatuloy na namin ang paglalakad.

Di ka ba natatakot tin? Tanong ko kay Christine

Hindi bat naman ako matatakot eh laro lang ito. Sagot nito sakin at sabay tanong.

Eh ikaw? Tanong nito sakin.

Ako matatakot? Sus. Walang matatakotin sa lahi namin! Pagyayabang ko hanggang sa may tumalon na kung ani.

AAAaaahhhh!! Tulong mommy!!! Sigaw ko sa sobrang takot.

Woi! Napano ka? Takang tanong ni Tin.

M-May momo kasi!!! Sigaw ko sabay turo sa gilid at napatingin naman ito dun.

Pfft!!! Waaaahahahaha!! Simpleng pusa natatakot kana hahahaha akala ko walang matatakotin sa lahi niyo? HAHAHAHA. Langyang pusa to akala ko kung ano arghh!

Tsk! Di ako natatakot noh tsaka di ba pwedeng nagulat lang? Sabi ko dito.

Asus palasot mo na naman Hahaha! Argh sabi nang di ako takot eh!

Tsk! Yan lang ang sabi ko sabay lakad ng mabilis.

Woi! Francis hintayin mo ako!! Tsk bahala siya sa buhay niya basta ako maglalakad lang.

Di ko lang siya pinansin ang naglakad lang hanggang sa napahinto ako dahil merong malaking pinto sa harapan ko at curious naman ako dahil kakaiba ang disenyo ng pinto at may didinig akong kumakanta.

Francis!! Loko ka talagang kumag ka bat mo ako iniwan dun ha!! Sigaw nito pero di ko lang siya pinansin dahil abala ako sa pakikinig sa kanta dahil sobrang ganda ng boses at hinala ko na babae ito.

Woi napano ka? Tanong ulit ni Tin.

Tumahimik ka muna pwede ha? Tumango lang ito hanggang sa marinig na rin niya ang kumakanta.

Kumag ano yun? Parang meron kumakanta sa kabila ng pintong to. Sabi nito sabay turo sa pinto sa harapan namin.

Yan nga ang dahilan kaya pinatahimik kita, kanina ko pa nadidinig ang kanta na yan simula nung iniwan kita dun. Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Buksan kaya natin para makita natin kung sino ang nasaloob niyan? Sabi ni Tin sakin at mukang tama siya dahil kailangan talaga namin makita at malaman kung sino ang nasa loob ng kwarto nato.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto para hindi madining ng kung sino mang tao o halimaw ang kumakanya hanggang sa mabuksan ko nang tuluyan ang pinto at tumambad samin ang isang babae na nagpapiano, mahaba ang buhok nito hanggang pwetan at meron napaka sexing katawan at mahahalata mo nasa mid 20 palang ang idad nito kasi lang hindi namin makita ang muka nito dahil nakatalikod ito samin at may napansin akong mga kadena sa kamay niyo at meron din sa paa.

Dragon World Online: Rise Of The Dragon GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon