Chapter 9: Bakit?

376 5 0
                                    

Jane's POV

Sabado ngayon kaya, natural, walang pasok. Napagdesisyunan ko na maglibot-libot sa Manila. Yung bang mag-aadventure ka. Kaya ginawa ko na ang daily routine ko. Nang matapos, ay pumunta agad ako sa Luneta Park. Nagpicture-picture. Pagkatapos ko sa Luneta ay sa Ocean Park naman ako nadako.

Habang tinatanaw ko ang iba't-ibang animals ay may kumalubit sa akin. Nang tiningnan ko ay si Leo lang pala. 

"Oy! Ikaw pala." Sabi ko.

"Ako nga." Sabi niya at nagsmile. Nagsmile rin ako. Parang napapadalas ang pagkikita naman simula noong nakaraang araw.

"Sino kasama mo?" Tanong niya.

"Ako lang." Maikling sabi ko.

"Pareho pala taya. Wala rin akong kasama." Sabi niya. Obvious naman na wala siyang kasama.

"Bakit ka pala nadako dito?" Tanong niya.

"Wala lang. Gusto ko lang libutin ang Manila." Sabi ko habang nakatingin sa mga isda.

"Ahh. Ganun ba? Samahan nalang kita. May alam akong lugar na maganda." Sabi niya at hinila na ako palabas . Hindi pa nga ako nag-approve eh hinila na ako.



*Parking lot*

"Hop in." Sabi niya.

"Paano yung kotse ko?" Tanong ko.

"Hmm? Edi yung kotse mo nalang gagamitin natin. Ipapakuha ko nalang yung kotse ko sa driver namin." Sabi niya at kinuha yung cellphone niya para tawagan ang driver nila. 

"Saan na yung kotse mo? Akin na yung susi. Ako na magda-drive" sabi niya.

"Hindi ko ibibigay sayo yung susi at hindi ikaw magda-drive. Baka saan mo pa ako dadalhin noh? Hmp!" Sabi ko at nagcross arms ako.

"Hindi noh. Sige na. Pupunta tayo ng Star City. Dali na." Sabi niya kaya napalaki ang mga mata ko.

"Sige na nga. Pasalamat ka hindi ko alam ang direksyon papunta doon." Sabi ko sabay bigay ng susi at pumunta sa car ko.

Habang nagmamaneho siya eh ang tahimik namin. Walang kibuan. Ang akward nga eh. So, I turned on the radio.

Eksaktong-eksakto. Paborito kong kanta ang narinig ko. "Ikaw by Yeng" . Ang ganda kaya ng song na yan. Kahit wala akong lovelife, parang nakakarelate ako. Ewan. Hindi ko maexplain. Nang chorus na eh sumabay ako. Tumingin naman sa akin si Leo.

"Bakit? Panget ba boses ko?" Tanong ko.

"Hi-hindi ah. Ang ganda nga eh." s
Sabi niya at binalik niya ang tingin niya sa kalsada.

"Malayo pa ba?" Tanong ko.

"Medyo." Sabi niya.

"Gisingin mo nalang ako ah?" Sabi ko at natulog.


Leo's POV

Ako na ang nagmaneho. Hindi niya raw kasi alam ang papunta doon. Palagi kaya kami pumupunta doon dati. Kaya lang matagal-tagal na rin yon. Hindi ko alam kung paano ko mababasag ang katahimikan na ito. Ang akward eh. Walang nagsasalita. Siguro naramdaman niya rin yun kaya binuksan niya ang radyo. Yung kanta pa eh "Ikaw by Yeng." Naman! Theme song namin yon eh. Hindi ko nga alam kung nakapagmove-on na ako. Nang chorus na eh sinabayan niya pa. Napatitig tuloy ako sa kanya. 

"Bakit? Panget ba boses ko?" Tanong niya.

"Hi-hindi ah. Ang ganda nga eh." Sabi ko at binalik ko ang tingin niya sa kalsada.

"Malayo pa ba?" Tanong niya.

"Medyo." Sabi ko.

"Gisingin mo nalang ako ah?" Sabi niya at natulog.

Okay na yung tulog siya para hindi ako madistorbo. Nadidistract kasi ako sa kaniya eh. Hindi ko pa rin maalis sa sarili ko ang katotohanang mahal ko pa rin siya. Ano ba ang nangyari sa kaniya? Bakit hindi niya ako matandaan? Naalala niya ba na theme song namin yun? Siguro nag-kukunwari lang siya na parang walang nangyari noon at maghigante? Arrrggghh! Nakakainis naman oh.

Hindj ko na namalayan na malapit na pala kami. Kaya dinalian ko nalang ang pagpark ng sasakyan niya at ginising siya. Hangang ngayon mahirap pa rin siyang gisingin. Umabot siguro ng mga labing-limang minuto. 

"Andito na ba tayo?" Tanong niya.

"Ahh. Oo." Sagot ko sa kaniya.

"Sorry ha? Mahirap talaga akong gisingin sabi ni Mama." Sabi niya at nagnod nalang ako.

Una akong lumabas sa sasakyan para buksan siya ng pinto. Dumiretso naman kami doon sa entrance at manghang-mangha siya sa nakita niya. 

"Wow! Ang ganda naman dito." Sabi niya at pumalakpak pa. Araw-araw ko kaya siya dinadala dito noon. Bakit ngayon lang siya nagandahan? Kumabog na parang tambol naman anv aking puso nang makita ko ang ekspresyon niya sa mukha.

"Tara na. Excited na ako." Sabi niya at hinila ako. Pumunta naman kami sa bilihan ng tickets at sumakay na sa mga rides.

Good Girl's LovelifeWhere stories live. Discover now