~Epilogue~

350K 8.4K 1.4K
                                    

~EPILOGUE~

Month of June na. Ilang araw na ba simula nang makababalik ako galing ng Canada? Hmm, three days na rin pala. Sa pagbabakasyon ko sa Canada, akala ko, makakalimutan ko na siya, pero mali ako. The more I distance myself from him, the more I think of him. Mas lalo ko siyang namimiss… Kahit saang sulok ng Canada kami magpunta, siya lang ang naiisip ko.

Mahirap pala kapag wala kang naririnig na kung anong balita tungkol sa taong namimiss mo ‘noh? Pakiramdam ko, isa akong taong nakakulong sa rehas. Kahit anong pilit kong magsaya, sa puso ko naman, alam kong malungkot ako. Ayokong dayain ang sarili ko. Ayokong magsinungaling na masaya pero ang totoo ay malungkot ako.

Ayoko na… Ayoko na… Ayoko na…

“Ayoko naaaaaa!”

“Huy, sissy! Relax. Magpapakita din yun sayo.”

Walang hanggang buntong-hininga. Sira-ulong Dustin! Hanggang kailan ba siya makikipaglaro sa akin ng hide-and-seek? Matatapos nalang ang first day of class, pero ni anino niya, hindi ko makita. Naiinis na akoooooo!

“B…baka napagod na siya kakahintay sa akin.” :(

Hinampas naman ako ni Kaye Anne sa braso. Kagaya ko ay kakarating lang din niya from Europe. Sosyal kami eh. Pabaka-bakasyon nalang sa ibang bansa… at oo, parehas kaming may namimiss. Yun nga lang, mas kawawa siya. After 2 years pa babalik ang love of her life niya. Eh yung akin? Alam kong nasa paligid lang yun. Nagmamasid. Nagtatago! Tsk!

“Baliw! Sabi nga ni Arthur na kasama niya yun kanina diba?”

Isinubsob ko ang mukha ko sa librong hawak ko. Nandito kami sa library ni Kaye Anne. Nakaupo sa sahig sa pinakasulok ng history section. Wala lang. Nagpapalamig lang kami dito.

“Eh yun na nga sissy eh. Nandito pala siya sa campus pero bakit ganun? Hindi man lang niya ako hinahanap? Bakit ako pa yung naghahanap sa kanya?”

Nginitian niya lang ako at iniling ang ulo niya. “Eh kasi nga, miss mo na siya. Huwag kang atat, Chloe. Magpapakita rin yun.”

“Duh?” I rolled my eyes. “Hindi ako atat. Curious lang ako kung bakit wala pa siya sa paningin ko. What if…”

“What if what?”

I sighed. “What if… Hindi niya na ako nahintay? What if… Nabored na siya at bumalik na kay Jenine? Hindi naman imposible yun, sissy. Knowing Dustin? He hates waiting and he easily gets bored.”

“Hmmp!” Inismiran niya lang ako. “Ewan ko sayo. Ikaw ang lubos na nakakakilala sa kanya pero bakit ikaw pa ang naninira sa kanya?”

“Tse! Hindi ako naninira. Yun naman kasi ang totoo~”

She hushed me. “Ssshhh, huwag kang maingay. Lumalakas ang boses mo.”

Nagpaalam na rin sa akin si Kaye Anne pagkatapos naming tumambay sa library. Meron na siyang klase, samantalang ako, wala na. Napagdesisyunan kong tumambay muna sa hallway dahil maaga pa naman para umuwi… at sige na nga, may hinahanap na rin ang mga mata ko. Alam kong madalas siyang dumaan dito. Ugh.

“Chloe!”

Mabilis akong tumingin sa tumawag sa akin. Si Wayne pala. Ngumiti lang ako sa kanya at umupo naman siya sa tabi ko. Tumingin naman ako sa paligid, baka sakaling may kasama siyang cold guy, pero wala naman. Haayy.

“Kamusta? Nakabalik ka na pala?”

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. “Oo, tatlong araw na rin.”

Hot And Cold [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon