Chapter 39

1.1M 47.3K 32.7K
                                    

Chapter 39: The Revelation (Part 2)

Zein's Point of View

Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi awa. Nawala lahat ng hinanakit sa akin dahil sa mga sinabi ni Ate Allison. Naaawa ako sa kanila ni Raze.

Kahit na nagawang pagbuhatan ng kamay ni Raze si Ate Allison ay hindi ko magawang magalit. Naiintindihan ko at alam kong ganon din si Ate. Niloko nila si Raz---Lux. Ngunit naaawa rin ako kay Ate Allison.

Pagmamahal... Gaano ka ba kahiwaga at nagagawa mo ang mga ganito?

"Z-Zein..." Tinangka akong yakapin ni Ace ngunit pinigilan ko sya.

Umiling ako. Kahit na malabo na ang mata ko ay nakita ko pa rin ang pagpatak ng luha sa kanyang mata.

"Naaawa ka ba sa akin, Ace?"

Kumunot ang noo nito. Naguguluhan ito sa sinabi ko.

"W-What?"

"K-Kanino, Ace? Sino ang minahal mo?" Tanong ko. Nanginig ang buo kong katawan nang isa-isang mabuo ang mga ideya sa aking isipan. "Si Ate Samantha o Ate Allison?" dugtong ko.


Hindi ko maiwasang magduda. Hindi ko alam kung mas masasaktan ba ako 'pag nalaman kong si Ate Allison 'yon.

"A-Alas?" Napatakip ako sa aking bibig nang makitang nakatayo si Raze sa gilid ni Ace. "M-May itinatago ka rin ba sa akin?" Tanong nya.

Oh.My.Ghad!

Hindi ko na ata kaya ang mga susunod pang mangyayari. Hindi na kakayanin ng puso ko... Namin. Masyado na kaming wasak at hindi ko alam kung mabubuo pa kaming muli.

Bumalin sa akin ng tingin si Ace.

"Zein, mahal kita. Hindi ko 'yon kailangang ipaliwanag kasi mahal kita at 'yon lang ang mahalaga." Sagot nito sa akin na hindi pinansin si Raze. "Darling, I love you. 'Yon lang ang nais kong malaman mo." Napaupo na lang ako sa sahig.

God! Bakit ko ba pinagdududahan ang pagmamahal nya sa akin? Alam kong totoo ang lahat. Naramdaman ko 'yon at patuloy nyang pinapadama sa akin.

Ganon magmahal ang isang Ace Craige. 'Pagmahal ka nya, mahal ka nya. Hindi nya kailangang ipaliwanag kung gaano dahil ipaparamdam nya ito sa'yo. Wala syang panahon para ipaliwanag sa iba ang nararamdaman nya dahil ang importante sa kanya ay alam nya ang totoo.

He's innocent in a sexy way...

He's a devil...

He's Ace Craige and I love him... Damn... So... Much.

Mahinang tumawa si Raze. "Kakayanin ko pa ang mga sinabi ni Allison ngunit parang bibigay na ata ako 'pag may sinabi ka rin, Alas." Natatawa nyang sambit.


Luxury Valdez... Raze Silvenia.

"Kuya, patawarin mo ako."

"Tangina, Alas! Pinapatawad na kita kaya pakiusap, ilabas mo na ako."

Napangiti ako nang makitang niyakap ni Ace ang kanyang kuya. Nanginig ang kawatan ni Ace at sa unang pagkakataon... Sa tagal ng nakasama ko si Ace. Ngayon ko lang sya narinig na humikbi.


Nasasaktan ako...

Napatingin ako kay Ate Allison na tulala na lang. Nakatingin ito sa magkapatid na wala man lang reaksyon. Hindi ko alam kung ano na ang iniisip nya at kung ano na ang gagawin nya.

Ngunit, isa lang ang sigurado ako. Tapos na sya... Nailabas na nya lahat ng sikreto. She's done with hell. Hell is finally stopped chasing her... I'm proud of you.

Chasing Hell (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon