Chapter 48: Allowance

2.9K 117 0
                                    




~*~



(Third Person's POV)


Isa-isang nilapag ni Carl ang mga gadget sa hapag kainan sa cafeteria na ginamit nila ni Dennis kahapon.

Nakatingin lamang ang mga kasama nya sa kanya habang nakakunot ang mga noo.

"Anong brand ng cellphone yan?" Takang tanong ni Vanessa.

Ngumisi lamang sa kanya si Carl bago magsalita na may tono ng pagmamayabang.

"Pinagawa ko iyan kay Tech."

"You mean kay Mr. Engineer?" Pagsabat ni Ferresa.

"Yes, nagpagawa ako ng isang gadget na parang camera, you know what I mean."

"Camera? Paano gumagana iyan kung ganun?" Tanong naman ni Carlos habang sinusuri ang mga gadgets.

"Simple lang." Kinuha ni Carl ang isa at dinial ang gadget na hawak ngayon ni Dennis.

Pasimpleng pinindot ni Dennis ang berdeng buton sa gilid. Tumambad sa screen ni Carl ang mukha ng natutulog na si Cashmere.

"Woah! Dennis! Anong ginagawa mo dyan ah?" Gulat na gulat na sambit ni Andrei bago inagaw kay Carl ang gadget ang naupo sa tabi nila Frank.

"Gigisingin ko lang sya." Boses ni Dennis sa kabilang linya habang nakatutok pa rin ang camera sa mukha ni Cashmere.

"Trespassing yan oyy. Bilis mo rin pumasok sa dorm namin eh noh. Galing, pwede nang akyat bahay Den." Matawa-tawang pagsabat ni Vanessa na nakikisilip rin sa screen.

"Haha. Watch this."

Nakita nila sa screen ang isang kaldero at isang sandok na ngayo'y nakatapat na sa tenga ni Cashmere.

"3......2......" Pagbibilang ng barkada, lahat inaantay ang susunod na mangyayari.

*blaaaaaang*

"Ay mahal kita!" Napabalikwas ng bangon si Cashmere hawak hawak ang tenga. "Argh! DENNIIIIS!!!"

Hinabol ni Cashmere ang tumatakbong si Dennis paikot ng kwarto nya, habang ang barkada ay tawa ng tawa maliban kay Rence na nakatitig lamang sa screen.

"Ang cool nito!" Nakangiting sabi ni Andrei.

"I know. Kaya guys tama na iyan, umupo na kayo. As you can see, aanim lang ang gadgets na iyan diba? Ang bilang nating lahat ay nasa trese, so kulang." Napapakamot sa batok na sabi ni Carl. "Kailangan nating maghati-hati."

"Partner kami ni Mich!" Paunang sambit ni Vanessa.

"Partner na tayo Carl." Pagpipresinta ni Frank, tumango lamang si Carl bilang pagsang-ayon dito.

"Partner na kami ni Carlos ah! Pareho kami ng kwarto eh." Nakangusong sabi ni Andrei.

"Kami ni babylabs ko." Pagpapauna na ni Ferresa bago humigpit ang kapit kay Patrick na ikinabuntong hininga nito.

"Me and Jayden na lang. Wala nang choice eh." Nakabusangot na sambit ni Rosby. "Van, wag kang magselos huh?"

"Okay, it's settle then."

"Teka! Wala pang partner si Captain Rence!" Pagsabat ni Andrei na ikinanganga ng lahat.

"Patay." Bulong ni Vanessa.

Lahat sila napatingin sa gawi ni Rence, ngunit nagtaka sila nang walang sumalubong sa kanilang bola ng apoy. Nakaupo lamang roon si Rence habang nakatitig sa isang screen ng mga gadget, naglalakad na papunta sa cafeteria sina Cashmere at Dennis.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon