Chapter 27 ♬ Lady Magdaleine

58.8K 1K 92
                                    

CHAPTER 27 - LADY MAGDALEINE

SERENE


Exam day namin ngayon kaya kailangan maagang pumasok. First hour ang Science, English at ang Math na pinakahihintay ko. Sa totoo lang tinulugan ko lang 'yung dalawang naunang subject— ay mali, lahat pala pwera lang ang Math. Huwag n'yo ng tanungin kung kumusta naman ako roon dahil isa lang ang masasabi ko.

It. Was. Hell.

Ang hirap mag-isip kung madaming iniisip, nablanko tuloy ang utak ko. Naaalala ko kasi 'yung pinaggagagawa ni Nathan nitong mga nakaraang araw. Isa na roon 'yung abalang-abala ako sa pagbabasa ng libro kasama si Jace nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Babes! Labas naman tayo mamaya. Miss na kita eh."

Sino pa nga ba ang magtatawag sa akin no'n nitong mga nakaraang araw? Walang iba kundi si Nathan.

"Anong ginagawa mo Nathan? Tumigil ka nga!" pigil kong bulong sa kanya. Para kasing tuko kung makayakap. Ramdam na ramdam ko ang mga mata na nakatingin sa amin. Gayunman, tila hindi niya naririnig ang mga pakiusap ko dahil patuloy lamang siya sa pangungulit.

"Please, please, please? Sige na."

"Mamaya na—"

Parehas kaming natigilan no'n dahil sa hindi inaasahang ingay na narinig.

Mapaklang tumawa si Jace. "Sorry, nadulas sa kamay ko." Tumayo siya mula sa kinauupuan at saka tumalikod. Naroon pa rin kami sa klase nila para magreview noong mga araw na 'yun.

Napapikit-pikit ako at napatulala sa nakitang ginawa niya. Nadulas lang daw sa kamay niya pero halos pitpit na pitpit naman ang lata ng softdrink na iniinom niya kanina. At talaga bang tawa ang narinig kong iyon? Hindi man lang umabot sa mga mata niya. Nakakapangilabot pakinggan.

Nang makaalis si Jace ay siniko at binatukan ko agad ang makulit na Nathan sa tabi ko.

"Sira ka talaga! Bakit mo ginawa 'yun?" Naaalala ko pa ang pag aray-aray ni Nathan sa bawat hampas ko ngunit kung makatawa naman ay wagas. "Para saan ba 'yun? Hindi ba gagawin lang natin 'yun kung nariyan lang ang mga tao ng lola mo?"

"Alam ko." Tawa pa niya. Hindi na nga yata siya makahinga noong mga oras na 'yun.

"Alam mo pala bakit mo pa rin ginawa?"

"Hindi mo ba 'yun nakita?"

"Ang alin?"

"'Yung mukha ni Jace. Epic!"

Isang kunot-noo lamang na puno ng pagtataka ang ibinigay ko sa kanyang sagot. Nagpatuloy siya. "Alam mo bang ngayon ko lang nakitang nagkagano'n 'yun? Dati kasi wala siyang pinapakitang emosyon. Ni ngumiti wala pa nga eh. Napakaseryoso sa kahit anong bagay na parang palaging galit sa mundo. Pero ngayon ang laki na talaga ng pinagbago niya."

Umupo siya sa kung saan nakaupo si Jace bago ito umalis. Itinaas pa niya ang mga paa sa mesa na akala mo pagmamay-ari niya ang mesa at upuan na iyon.

"Hindi mo ba napapansin? Na lahat 'yun dahil sa'yo?" Tumingin siya sa mga mata ko. May ngiti man ay halata namang seryoso. "He likes you."

Naalala ko pa kung paano ako napapitlag ng upo roon at sakla tumingin sa kanya.

"Ha?"

"Jace likes you."

Napapikit-pikit ako roon. Halatang hindi makapaniwala sa narinig. Ngunit mayamaya ay bigla akong umiling. May maliit na tawa ang umalpas sa aking mga labi.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon