Chapter 137

844K 32.9K 16.9K
                                    

Punch

Jay-jay's POV

"Papatayin ko si Edy!" Sigaw ni Ci-N.

"Hindi nga Edy ang pangalan nya!" Inis na sabi ni Josh habang pilit nilalayo yung pusa kay Ci-N.

Kahapon pa sila ganyan. Matapos kasing saksakan ng anti-rabis parang naaning na tong si Ci at pilit hinanap yung pusa.

Mautak naman tong si Josh, dahil hinawakan na nya at hindi na binitawan pa yung pusa.

"Tantanan mo na nga yang pusa!" Sita ko kay Ci-N.

"Pero kinagat nya ko Jay..." Naiiyak na sagot nya sakin.

Napakamot ako ng batok. Kasalanan din naman nya yung bakit sya kinagat. Sundutin daw ba kasi habang kumakain.

"Kasalanan mo naman kasi." Sagot ni Mayo at hinamas yung ulo ni Edy.

"Sya na nga pinakain ko, ako pa kinagat nya!" Sumbat ni Ci.

"Nakita mong pusa. Hindi kagaya ng aso yan, anu kaba?" Sermon ni Josh.

"Sige! Pagtanggol mo pa yang pusa na yan!" Sagot ni Ci at bigla nalang yumakap sakin. "...inaaway nila ako."

Pero hindi pa man din nagtatagal yung yakap na yun may kamay ng nahiwalay samin. Pare-pareho kami'ng napatingin dun.

Yuri...

"Masyado ka ng naka-attached kay Jay-jay, baka gusto mo'ng i-less yan." Sabi nya.

Hindi sumagot si Ci pero tinignan nya ko na para'ng nagsasabi ng 'Problema ni Yuri?'. Umalis si Yuri pero lahat kami nasa kanya pa rin yung tingin.

Nag-seselos na naman yata sya.

Speaking of selos, kusa nalang ako'ng napatingin kay Keifer. Diretso lang ang tingin nya sakin. Hindi ko masabi kung nagagalit sya o anu.

Napaiwas ako ng tingin pero kusa ding bumalik yun sa kanya sa hindi ko malaman na dahilan. Tapos bigla nalang sya'ng umirap.

Ay bakla!

Ang talim talim kasi maka-irap. Dinaig pa ko! Busit to'ng kumag na to.

"Kayo na ba ni Yuri?" Tanung ni Mayo sakin.

Umiling ako. "H-hindi."

"Bakit ganun sya maka-asta? Parang pagmamay-ari kana nya?" Dagdag ni Ci.

"A-anu lang... K-kasi..."

Tsk! Asar!

Si Yuri kasi eh! Hindi ko tuloy alam isasagot ko. Badtrip!

"Para'ng hindi mo kilala si Yuri. Ganyan din naman sya kay Ella dati." Biglang sabi ni Josh.

"Hahaha.. oo nga." Sagot ni Mayo. "...Ang ending, BH ang tropa mo." Dagdag pa nya at tumawa.

Nakaramdam ako ng inis sa sinabi nya. Ginagawa nila'ng katatawanan yung bagay na iniyakan ng husto ni Yuri. Para bang hindi sila dumaan sa ganun.

Tumayo ako at naglakad paalis. Narinig ko pang tinawag ako ni Ci pero hindi ko sya pinansin. Lumabas ako at dumiretso sa second floor ng building namin.

Malakas kasi ang hangin dun at presko sa pakiramdam. Pagdating ko, bumungad sakin si Kit.

"Bakit nandito ka?" Tanung ko sa kanya.

Tumingin sya sakin at nagpilit ng ngiti. "Wala... Gusto ko lang talaga'ng mapag-isa."

"Pareho tayo..." Sabi ko at lumapit sa kanya. "...Kamusta pala kayo ni... Hmmm... Mayo?"

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon