Kabanata 25

1.7M 47.1K 39.5K
                                    

[Kabanata 25]


Napaupo na lang ako ulit at napasandal sa puno ng mangga. Pakiramdam ko sa mga oras na'to nag-iisa ako dahil wala na si Juanito.

Napayuko na lang ako at umiyak ng tahimik. Gusto kong sumigaw pero natatakot akong may makaalam ng totoong nararamdaman ko.

Ilang saglit lang, narealize ko na kailangan ko ng umuwi dahil baka malaman ni ama o ni ina na tumakas ako sa bahay. Kaya tumayo na ako, pinunasan ko na ang mga luha ko at gusto kong iwan na sa lugar na'to ang mga problema at sakit na dala-dala ng puso ko.


Magiging okay ka rin Carmela, Tiwala lang!


Nagtaklob ako ng belo sa ulo upang hindi ako makilala ng mga tao, napadaan ako sa isang maliit na talipapa at abala ang mga tao mamili ng mga maliliit na tuyong isda. Bigla akong napaatras nang mabangga ako ng isang aleng medyo may katabaan at unat na unat ang kaniyang buhok, may bitbit din siyang bilao at nagtitinda siya ng mga kakanin. "Pasensya na po" sabi niya, tumango na lang ako habang nakayuko para hindi niya makita ang itsura ko. Aalis na sana ako kaso may isa pang ale ang kumakaripas ng takbo papunta sa aleng nakabunggo sakin.

"Susana! Pabili nga ng suman" narinig kong sabi ng isa pang ale na kulot-kulot ang buhok at lumapit siya dun sa ale na nakabunggo sa'kin. "Mare! Alam mo ba hindi na tuloy ang kasal na magaganap sa mga anak ng pamilya Montecarlos at Alfonso" sabi nung ale. Napalingon naman ako sa kanila.

"Oh? Talaga? Bakit naman?" nagtatakang tanong nung aleng nakabunggo sa'kin. napa-pamewang naman yung ale na kachismisan niya. "Nahuli daw ni Don Alejandro na may kasamang ibang dalaga si Juanito sa ilalim ng tulay noong gabi ng pasasalamat sa patron"

"Seryoso ba yan? sino daw ang babaeng kalaguyo ni Ginoong Juanito Alfonso?" nabuhayan ng todo si aleng Susana yung nakabunggo sakin nang makasagap siya ng chismis. Parang may kung anong kirot naman akong naramdaman sa puso ko, Kalaguyo talaga?

"Hindi ko alam eh, walang nagsabi kung sino ang babaeng kasama ni Ginoong Juanito" 

"Ano namang nangyare sa Montecarlos na mapapangasawa dapat ni Ginoong Juanito... si  Cam...Carlelita... Carolina ba ang ngalan niya?" narinig kung tanong ni aling Susana. Napataas naman yung kilay ko. Gosh! hindi talaga peymus si Carmelita.

"Carmelita ang ngalan niya, siya ang bunsong anak ni Don Alejandro... may bali-balitang may napupusuan ding iba si Carmelita pero hindi rin malinaw kung sino" sagot naman nung ale.

"Nakapanghihinayang nga lang, namataan ko sila noong magkasama sa palengke sa kabilang bayan... mukhang bagay naman sila" dagdag pa nung ale. nagpatuloy na ko sa paglalakad, mas lalo lang akong malulungkot kapag naririnig ko ang pangalan ni Juanito.

Narealize ko din na may karapatan talagang magalit sa'kin si ama, dahil kalat na kalat na ngayon sa buong bayan ang tungkol samin ni Juanito.

Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ni Theresita. "Binibini... bakit ngayon ka lang?" nagpapanic niyang tanong. Nanlaki naman yung mga mata ko. "Nasa bahay na si ama?" tanong ko, napa-iling naman si Theresita.

"Wala pa po... pero..." nag-dadalawang isip na sabi ni Theresita, hinawakan ko naman ang magkabilang balikat niya. "Pero ano? Bakit? Anong meron?" Gosh! Nagpapanic na din ako.

"Kanina pa po kayo hinihintay ni... Ginoong Leandro" sabi ni Theresita at napayuko siya. "Huwag po kayo mag-alala Binibini, hindi naman po namin sinabi na pumunta kayo kay Ginoong Juanito" dagdag pa niya. hindi naman ako nag-aalala na malaman niya na nagpunta ako kina Juanito eh, ang pinoproblema ko ay kung anong sasabihin ko sa kaniya dahil dinahilan ko na mahal ko pa siya sa harapan nilang lahat nung isang gabi.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon