Paunang Salita

6.3K 88 3
                                    


Gusto kong magpasalamat . . .

Sa lahat ng mga Listeners ko na patuloy na sumusuporta sa akin mula noon hanggang ngayon. Mula sa napaka-jeje kong way of writing noon (na hanggang ngayon talaga ay hindi ko maintindihan kung paano ako naka-survive sa gano'ng buhay), as I mature as a writer, you mature as a reader along side with me. Kaya proud ako sa inyo :)

All of my stories are connected with each other.

Ano man ang unahin n'yo sa lahat ng kwento ko, it does not really matter. They may have their own separate stories but all of my characters are living in the same world that I created. Kung nabasa n'yo na ang ibang mga stories ko lalo na sa mga revised version at lalong-lalo na sa self-pub version, mababasa n'yo ang mga pangalan ng mga characters dito o kahit pa 'yung mga iba't ibang businesses, schools and company o kahit pa 'yung pinakamaliit na detalye na maihahalo ko sa isang kwento, mapa-bato pa man kung saan nadapa si protagonist, parlor shop kung saan nagpapagupit si antagonist, nalaglag na papel ng akala mong extra character lang pero malaki pala ang papel sa ibang kwento -- sa kwento ko at sa mundong ginawa ko walang masasayang na detalye, karakter o senaryo. Lahat ng detalye ay pinag-iisipan kong mabuti, hinahabi sa aking utak at pinagdudugtong-dugtong upang makabuo ng isang obra. Kaya nga palagi kong sinasabi sa mga readers ko,

ALWAYS READ BETWEEN THE LINES.

Dahil 'yung akala mong maliit na papel sa kwentong ito ay malaki palang detalye sa ibang kwento na mababasa n'yo sa iba kong sinulat na istorya. I am a big believer that there is no such thing as coincidence. Everything happens for a reason. And that is what I'm going to show you in all of my beloved master pieces.


Welcome to my world.


- wistfulpromise

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon