Chapter 139

864K 35.1K 13.4K
                                    

Trident

Jay-jay's POV

"Jay... Ice cream..." Pagmamaktol ni Ci-N pero hindi ko sya pinapansin. "Ice cream... Ice cream..."

Kanina nya pa ko kinukulit. Naiinis kasi ako'ng ikuha sya ng pagkain. Hindi naman kasi sya marunong maglinis ng pinagkainan. Ang tamad-tamad din nya kumilos.

"Jay... Jay... Jay... Jay...JAY!" Sigaw nya.

Nahampas ko nalang yung kamay ko sa study table. Nakakainis na kasi!

Kulit!

"Tama na! Gabi na! Matulog kana!" Sigaw ko sa kanya.

Bigla nalang sya'ng humikbi at gumulong sa sahig.

"Inaaway ako ni Jay-jay!" Sabi nya at nagsimula'ng umiyak.

Ay putik!

Bakit parang mas lalung lumakas ang sapi nito'ng Bata'ng Kumag na to?! Kinagat lang ng pusa tapos nagkaganyan na.

Hindi kaya nahuli na kami at umabot na ang rabis sa utak nya? Masama to! Ibalik ko kaya sa ospital o kaya idiretso ko na sa mental?

"Oo na... Ikukuha kana!" Sabi ko at agad na lumabas ng kwarto.

Wala rin ako'ng nagawa!

Dumiretso ako sa kusina. Kayalang pagdating dun, wala ng ice cream. Kinuha na ni Aries yung kahuli-hulihan. Naabutan ko pa sya'ng nangunguha ng kutsara habang nasa isang kamay nya yung pakay ko sana.

"Pwedeng akin nalang yan?" Paki-usap ko.

Tinignan lang nya ko at umirap pagdaan sa harap ko. Pfftt! Damot!

Wala ng ice cream. Yari ako nito sa Bata'ng Kumag. Bumalik ako sa kwarto at dahan-dahang binuksan yung pinto. Nagbabaka-sakali na tulog na sya.

Pero bigo ako, gising sya. Gising na gising. Alive na alive ang putik!

"Ice cream ko!" Sabi nya.

"Ubos na."

Nag-umpisa na naman sya'ng humikbi at magpa-gulong-gulong sa sahig. Napakamot nalang ako sa batok ko.

"Ibibili nalang kita." Sabi ko at agad na kinuha ang cellphone at wallet ko sa lamesa.

Bigla nalang sya'ng huminto sa pagiyak at tumayo.

Huh?

"Bili kana rin ng midnight snack." Sabi nya at nag-abot ng pera.

"Kung samahan mo kaya ako!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Hindi na... Kaya mo na yan. Umabot ka nga ng 17 na wala ako eh. Yan pa kaya!" Sabi at humilata sa kama. "...Bilis mo na."

Ay wow!

Yung napa-nganga ka nalang sa pagka-amaze sa peste'ng bata na to. Ibang klase! Wala ako'ng masabi.

Naglakad na ko palabas. Hindi na ko nagpaalam, baka kasi nagpapahinga na sila. Kinuha ko yung bike ko sa garahe.

Madilim na sa daan, salamat sa ilaw sa poste at naliliwanagan ang daan ko. Next time bibilan ko ng flasher tong bike ko para malakas na loob kong magbike sa gabi.

Perwisyo tong Bata'ng Kumag na to!

Sa Mini Mart malapit samin ako dumiretso. 24/7 naman to kaya kahit anu oras pwede ako bumili dito.

Pinarada ko yung bike ko at pumasok sa loob. Wala'ng masyado'ng tao, gabi na rin kasi.

Solo ko ang Mini Mart!

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon