Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)

32.8K 345 27
                                    

Dedicated sa kanya <3 Thank thank u talaga lanidel sa pagbababasa at sa pagsupport sa story ko. Sana hindi ka magbabago <3

 Hi Precious Mae dear! Kung mabasa mo 'to pasensya na talaga! Yung dedication sa next ud sayo naman :)) Iniipit ko lang talaga dahil maraming nakapila! 

Enjoy reading!

♥♥♥

Chapter 35

Paano nya nagawa iyon? Bakit? Anong dahilan? Mga katanungan sa isip ko na hanggang ngayon ay wala pa ring kasagutan.

Kung wala na si Gun ibig sabihin... si Blow ang nakalaban namin. Muling nagbalik sa isipin ko ang mga sinabi nya sa akin noong sinugod nya ako sa bahay noon.

"You and Pietr... will going to pay."

Pero anong kinalaman ko roon sa galit nya? Ano na naman ba ang ginawa ni Pietr? No wonder kung bakit ganun na lamang ang galit nya sa tuwing nakakasagupa ko sya. Pinatay ni Pietr ang kakambal nya. Sa anong dahilan? Hindi ba nya narealize na sa pagkamatay ng kakambal nya ay ang pagkamatay din ng kalahati ng pagkatao nya? Walang Blow kung walang Gun. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam ako ng lungkot para kay Blow. Sayang lang at napunta sya sa maling kamay-- sa kamay ni The Highest na walang ibang gagawin kundi gamitin at sirain sya. 

Pero bago ko isipin ang ibang problema, kailangan ko munang harapin ang problemang nasa harapan ko ngayon. Si Jace at Pietr walang malay. Tumayo ako at naglakad lakad, pabalik balik, paikot ikot. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung ano ang mga susunod kong hakbang. Anong gagawin ko sa kanila?! 

Walang kwenta ang cellphone ko dahil walang connection. Kailangan na naming umalis dito sa lalong madaling panahon. Pero... paano?!!

Jace, Pietr... Bakit ba kasi ngayon pa?!!

Biglang gumalaw ang mga halaman sa di kalayuan kaya napapitlag ako at naging alerto. Lumapit ako kanila Jace at Pietr. Sa bawat pagkabog ng dibdib, sa bawat mabilis na paghinga. Ikunuyom ko ang mga kamay ko para sa isang maaring kalaban na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw. 

Kung kailangan kong isugal ang sarili ko para iligtas sila gagawin ko. 

May lumabas sa halamanan na kanina ko pa minamataan at nang makita kung sino ito, bigla akong nakahinga ng maluwag.

Si Julian. 

"What are you doing here?!" nanlalaking matang tanong ko. Lumapit ako sa kanya. 

"We need to get out of here." 

"Pero... Julian... b-bakit--" 

Una si Jace. Tapos ngayon naman si Julian?! Sino pa ba ang pupunta rito para sa isang surprise visit para sa akin?! Lumapit sya kay Pietr at saka binuhat sa likod nito. 

"Serene, what are you still doing? Come on! We need to get out of here, quickly! I saw Blow and the others in that direction. It's not safe here anymore!" 

Tumango ako sa kanya at saka mabilis na kumilos. Sabi nya sya na raw ang magbubuhat kay Pietr at ako naman kay Jace. Pumayag naman ako kahit na alam kong mahirap sa umpisa dahil mabigat pala si Jace. Naguguluhan man sa mga nangyayari ay naglakad na kami palayo. Halos patakbong lakad ang ginagawa namin kung kaya namin. 

"I already called Souta for help." hingal na wika nya sa tabi ko. 

Magkakilala na sila ni Souta? Sa pagkakaalala ko kasi ay hindi ko pa sila naipakilala ng harapan. Paano sila nagkaroon ng koneksyon gayong bukod sa pagkakaalam ng pangalan ay estranghero pa rin sila sa isa't-isa? 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon