Chapter 53: Past

2.7K 113 2
                                    









~*~


(Cashmere's POV)


"Tumakas ka na!" Sigaw ni Ice na sinusubukang labanan ang mga halimaw gamit ang kanyang abilidad.

Sa musmos na aming katawan, alam namin kung paano makipaglaban at lumaban. Iyan ang itinuro sa amin ni Ama.

"Ngunit hindi kita iiwan!" Pagtanggi ko at sinubukan rin labanan ang mga halimaw na umaatake sa amin.

"Makinig ka Cashmere, mababaliwala lahat ng aming pinaghirapan ng iyong Ama kung ngayon pa lang ay susuko ka na. Kailangan mong mabuhay at balang araw pakiusap, bumalik ka rito, wag mo kaming kalimutan." Sambit nya na ikinatigil ko.

Magsasalita pa lang sana ako nang balutan nya ako ng yelo. At sinumulan sabihin ang mga katagang magpapabago ng aking buhay.

"Ako si Frank Jefferson Ice, ang tagapangalaga ng abilidad ng yelo at tagapagtanggol ng babaeng kailangang pangalagaan. Gabayan nyo ako at dalhin sya sa mundo ng mga mortal kung saan sya mamalagi ng ilang dekada at mamumuhay ng normal. Pabalikin sya sa tamang edad katulad nang nabanggit sa propesiya." Sandali syang tumigil at lumingon sa aking gawi. "Paalam Cashmere."

Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang iyon, sobrang liwanag ang bumalot sa akin at kinain ako nito.

Nakaramdam ako ng sakit at pagkahilo nang subukan kong tumayo mula sa pagkakabangga ng isang kahon sa aking musmos na katawan.

"This is all your fault David! Nakasagasa tayo, look!" Sigaw ng isang babae habang umiiyak.

"I know. I know." Bulong nang lalaki bago ako buhatin papasok sa kanilang umaandar na kahon. "Please Miss stay alive."

Miss? Sa tingin ko ako ang kausap nya. Bumibigat ang talukap ng aking mga mata at bumibigat na rin ang aking paghinga. Hindi ko na masyadong maintindihan ang mga sinasabi nila.

Pakiramdam ko sobra akong napagod ngunit bakit?



"Aaaaaaaahh!!" Sigaw ko nang maramdaman muli ang hapdi at nagbabagang init na dumadaloy sa aking katawan.

Isang panaginip. Nakakatakot na panaginip.

Naroon pa rin ako sa himpapawid, nasa likod ko pa rin ang bwan na unti-unting nagiging pula, nasa baba ko pa rin ang ground kung saan naroon ang mga kaibigan ko, ang mga estudyante, ang mga guro at si Headmaster Dumbledore. Lahat sila ay nagtataka. Pati ako nagtataka.

Nilingon ko si Frank na patuloy pa rin sa pagbigkas ng mga salita na hindi ko maintindihan. Mukha syang pamilyar, sa gitna ng sakit, sinubukan kong haplusin ang kanyang mukha na syang ikinatigil nya.

Nilingon nya ako at tinitigan sa aking mga mata.

"Pakiusap, alalahanin mo Cashmere Villacrusis. Kailangan ka namin." Bulong nya.

Magsasalita pa lang sana ako nang maramdaman ko muli ang kakaibang init at hapdi. Napasigaw muli ako at pinilit imulat ang aking mga mata.

Pinalilibutan ako ng mga taong may hawak na mga matutulis na bagay at pula ang kanilang mga kamay, tila'y nababahiran ito ng dugo, nang sarili kong dugo.

Pinilit kong magpumiglas ngunit mukhang nakatali ang aking paa't mga kamay. Nakaramdam ako ng matinding hilo ng iturok sa akin ang isang karayom na may likidong kulay asul.

Hinila ako ng antok at pagmulat ng aking mga mata nasa isa akong pamamahay na sobrang pamilyar.

"Cashmere." Wika ng isang tinig na nagmumula sa aking bintana.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon