TDKQ: 23

15.6K 302 10
                                    

Chapter 23: The Lost Ring and The New Student

Franxine's P. O. V

Nandito na kami sa bahay at nadatnan namin yung boys na naka upo sa sofa.

Kaya pumunta si Cheskah at umupo rin sa sofa while me ay dumiretso na sa kusina. Medyo madumi dito madaming agiw mga alikabok. Ayh! Muntik ko ng makalimutan! Hindi ko pa pala nabubuksan yung Kuryente! Inilapag ko yung pinamili namin sa lamesa at umakyat sa upuan at inabot yung main switch ng kuryente para kahit papaano eh para magamit namin ang mga appliances dito.

4 years ago na noong huling magamit ang mga gamit dito.

Haaaay! Never mind na nga!

Binuksan ko yunh switch ng ilaw at boom! Sumindi. Pumunta ako sa sala at tinanggal yung nakatakip na telang puti sa T. V

Sinaksak ko ito at binuksan at VOILA! makakapanood ka na.

Tumayo si Traves at lumapit sa T. V kinapa-kapa niya ito.

"Anong mahika ang ginamit niyo dito?!" Saad niya. Nagkatinginan naman kami ni Cheskah at....

"BWAHAHAHAHAHAHA!! Oh em capital G!!!!" Sigaw naming dalawa ni Cheskah.

"You know kuya huwag mo ng isipin iyan! Kapag ginawa niyo iyan sa harap ng mga taga mortal ay nako! Baka mapagkamalan kang baliw! Hahahahaha!" Saad Cheskah Gagx talaga itong babaeng 'toh!

Traves' P. O. V

Nanlaki ang mga mata ko at niyakap si Cheskah.

"Hoy Kuya! Anong ka-dramahan iyan huh?!" -Cheskah.

"Masaya lang ako dahil tinawag mo akong kuya, Cheskah" saad ko at hinigpitan pa lalo ang yakap ko sa kanya.

"Huwag ka ngang O.A! Hoy Abno'! Bitawan mo nga ako! Tsaka For your information mukha mong may red polka dots na decoration hindi kita tinawag na kuya 'noh!" Saad niya sabay *pout*

  *3*

Tss. Kunwari pa! Eh sinabi niya nga ta's rinig ko pa.

Pinabayan ko na lang at pinat ang ulo niya at umupo sa tabi ni Ivan.

Franxine's P. O. V

Tapos na akong magluto dito.
Lilinisin ko pa ang lamesa.

Tinanggal ko ang puting tela na naka lagay at pinunasan. Naglagay na rin ako ng mga plato at baso. Nagtimpla ako ng juice at nilagay sa lamesa. Syempre naglagay din ako ng tubig. Nilagyan ko ng kutsara't tinidor yung bawat plato.

"HOOOOY! KAKAIN NA!" tawag ko sa kanila. Agad namang pumunta sila sa dining table at umupo.

Ang niluto ko nga pala ay Fried rice, hotdog, bacon at vegetable salad. Ayaw niyo iyon Go, Grow and Glow? Hehe

\(☆_☆)/  ← itsura nila.

"Waaaaaaaah! Ang sarap naman niyan!" Sigaw ni Cheskah. Umupo na rin ako at nagsimula ng kumain.

**
Aalis na kami ngayon sa bahay. 6:45 a.m na ngayon. Mas maaga daw mas maganda para daw makabalik at makapasok pa kami sa Klase namin doon sa Redaya world.

Nang biglang.

Biglang naging yelo ang doorknob. Hindi ko naman hinahawakan ah? Bakit naging yelo? Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang sala na punong puno ng yelo.

"A-Ano g-guys may problema t-tayo" saad ko at napatingin naman sila sa akin.

"Ano bang prob.....le...ma...OH EM CAPITAL G....malaki nga" saad ni Cheskah na nakatingin sa bahay ko na punong puno na ng yelo pati na rin ang mga boys ay napatingin na rin.

Lumindol ng malakas agad na nagpalabas ng Barrier illusion si Cheskah. Kasama iyon sa special magic na tinataglay niya. Barrier Illusion sa labas ay normal na bahay lang ang makikita mo pero sa lpob ng barrier ay ang totoong nangyayari.

May lumitaw na shrine sa harapan namin pero walang dragon na lumalabas kaya nagpasya akong umakyat ng second floor ng bahay namin para matingnan ko ng mabuti ang shrine. Pumasok ako sa kuwarto ko at.....

Nakita ko ang singsimg na binigay sa akin noong 13th birthday ko. Ayun din ang panahon na namatay ang mga magulang ko. Lumapit ako dito at hinawakan pero nagyelo ang singsing at nawala ito.

"ROOOOOAR!" sumilip ako sa labas ng bahay at nakita ko ang isang dragon na nagbubuga ng yelo at tubig tumalon nalang ako ng bintana. Ako na pala ang lalaban.

Nasa harapan na ako ng dragon tumabi silang lahat.

"WRRRAAAAAH" nagbuga naman ito ng tubig pero bigla itong naging yelo. Agggh!

Nagpalabas ako ng Espada na gawa sa yelo. Sinugod ko ito at pinatamaan nasugat ko ang mga paa niya. Kaya umunggol nanaman ito at nagbuga ng Ice spikes. Umilag ako at gumulong. Tumayo agad ako at nag palabas ng malaking tipak ng yelo. Kahit hindi ko pa kaya ang mahika ko ay gagawin ko ito. For the sake of the lost ring.

Lahat ng lakas ko at mahika ang ibinuhos ko sa ginagawa kong yelo. Ibinato ko ito sa dragon at tumusok ito sa kanyang katawan. Nagliwanag ang katawan ng dragon at lumitaw ang isang batang babae.

"Hihihi! Magaling at nanalo kayo master! Ano ang ipapangalan niyo sa akin?" Saad ng batang babae.

"Dahil Ice at water ang mahika ko at mahika mo, tatawagin kitang Alliah" saad ko at nagliwanag ang wrist namin isang paro-paro na kulay indigo na may halong violet at red.

Inilahad niya rin ang singsing.

"Teka nga! Bakit nasasayo ito? Singsing ko ito ah?!" Saad ko. Ito yung singsing ko kanina na biglang naglaho noong hawakan ko.

"Oo singsing mo nga iyan. Nasa kamay iyan ng mga magulang mo at ibinagay sayo. Hindi ko rin alam kung bakit nasa mga magulang mo iyan" saad niya hinawakan ko ito at naging espada na may nakapalibot na yelo at tubig ang ganda! Nawala na ang bata at nawala na rin ang shrine at pagyeyelo ng bahay ko. Atlas. Makakabalik na rin kami sa Redaya world at hanapin ang nawawalang Goddess.

Unknown's P. O. V

"Mahal na Hari! Nahanap na po ang lahat ng mga accesories"
Balita sa akin ng aking alagad.

Napahalakhak naman ako.

"Ihanda mo lang ang mga kawal dahil susugod tayo sa paaralan ng Redaya at kukunin natin ang mga accesories" saad ko at umalis na ang alagad ko.

Ahahahahaha! Nako! Mahal kong kapatid makukuha ko na ang babaeng papakasalan ko.

Franxine's P. O. V

Nandito na kami sa room. As usual mga nagbabatuhan ng mga papel at mga nagdadaldalan ang ginagawa nila. While me. Nagbabasa ako ng libro kailangan kong matutunan ang kapangyarihan ko.

Bumakas ang pinto iniluwa noon ang Teacher namin.
Sino pa ba ang first subject teacher namin si Mr. Psycho Terror Panot.

"Okay class! May bago kayong kaklase ngayon! Ms. Pasok ka na" saad ng guro namin at pumasok ang magandang babae nakulay violet at may dark brown na buhok pumasok ito at
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nadapa.

"Awwwwww!"

"Oouuuuch!" Sigaw nila. Huwaw lang? Parang sila yung nadapa ah? Tinulungan ni Mr. Panot na tumayo si Beautiful girl.

Tumayo ito at pinagpagan ang sarili ang cute niya kasi parang iiyak na siya haha.

Pansin ko lang ah? Parang ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Hi! Sorry about what happened earlier! I'm just a little clumsy you know! My name is Ivana Maxzell Fi-- I mean Filerno! Yeah. Filerno ang apilyido ko" saad niya




A/N:

Hala sino kaya siya? At ano ang papel niya sa Ating mga bida?

Again I repeat please Comment in READ PLEASE para mapasama ang gusto niyong fictional character na gusto niyong mapasama sa TDKQ.

             ☆THANK YOU☆

The Demon King's Queen [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon