Chapter Six

434K 12.9K 4.3K
                                    

SASKIA

"My, wag ka na mag-alala sa akin. Kaya ko ang sarili ko." Bumuntong-hininga ako at tinitigan ko si Mammy mula sa salamin na nasa harap ko habang inaayusan ako ni Ninang Jodie. Nakaupo siya sa likod ko at tahimik lang na nakatitig sa akin. Kahit hindi na siya nagsalita noong magpumilit ako na magsayaw sa club, alam kong tutol pa rin siya doon. "Saka hindi naman ako sa pipitsugi na club magsasayaw, di ba, Ninang?"

"Oo nga naman. Di yun yung sa mga pinagsasayawan mo noon, Sasha." Sabi ni Ninang habang kinukulot ang buhok ko.

"Lush Execution Club yun, My. Puro mga mayayaman ang kustomer."

"Gaga, ano'ng execution? Ano yun bibitayin ka?" Pinukpok ako ni Ninang Jodie ng suklay sa ulo. "Executive! Lush Executive Club! Nako, Saskia, d'yan tayo sumasablay sa'yo. Ang ganda mo nga, kung anu-ano naman lumalabas d'yan sa bibig mo."

"Ninang naman eh." Inirapan ko siya. "Wala ba kayong bilib sa beauty ko?"

"Yun na nga eh, pasalamat ka maganda ka. Kasi kung pangit ka pa, ano na mangyayari sa'yo niyan?." Natatawang sabi ni Ninang. "Pasalamat ka sa dugo ng tatay mong Briton."

"Gaga! Sa akin nanggaling yang ganda mo! Kaya nga patay na patay yung hayop na yun sa akin noon." Nalukot ang mukha ni Mammy.

"Pero nakatulong yung dugong forenjer ng tatay ko, aminin." Sabi ko.

"O kaya yun, nung nabuntis ka na-thank you ka! Alam mo ba gusto kang ipalaglag ng tatay mo noon, Saskia. Di lang pumayag si Sasha."

"Syempre, anak ko yan. Kahit naman pokpok ako may prinsipyo pa rin ako. Binuhay ko kayo ng mga kapatid mo kasi binigay kayo ng Diyos sa akin."

"Kaya mahal na mahal kita, My eh." Sabi ko.

"Saskia, wag kang tutulad sa akin. Ipangako mo sa akin na hindi ka na magpapagalaw ulit." Seryosong sabi niya.

"Hindi na mangyayari yun. Nakainom lang ako nun saka malaki naman ang nakuha ko nun kaya keri na rin." Kibit-balikat na sabi ko.

"Magsasayaw ka lang! Huwag kang magpapahawak sa mga lalaki. Lalo na yung mga mukhang walang pera!" Paalala niya.

"Oo nga, My. Paulit-ulit?"

"Hoy, Jomar! Bantayan mong mabuti yang inaanak mo!"

"Maka-Jomar 'to! Kinikilabutan ako sa'yo! Jodie ang pangalan ko! JODIE!"

Pagkatapos akong ayusan ni Ninang ay umalis na kami. Dinala niya ako doon sa club ng mga pangmayaman. Hindi na din sumama si Mammy dahil ayaw niya daw akong makitang ganon. Tutol man siya sa gusto ko, para naman ito sa ikabubuti namin. Lalo na ng mga kapatid ko. Hindi naman ako nagsinungaling sa kanya noong sinabi ko na hindi ako magpapa-take out. Iyon na ng una at huling beses na gagawin ko yun. Maliban na lang kung may mayaman na magkagusto sa akin at mag-alok na igarahe ako. Syempre hindi na ako tatanggi nun. Sabi nga ni Ninang Jodie sa akin kung sasama daw ako sa lalaki piliin ko yung MMMM o matatandang mayaman na madaling mamatay. Para kapag namatay siya, sa akin na mapupunta lahat ng kayamanan niya. Malay natin baka swertihin ako at mahanap ko yun.

"Alam mo na ang gagawin mo." Sabi sa akin ni Ninang habang nasa backstage kami. Pinagsuot nila ako ng manipis na two piece at pinagtakong ng mataas. Kanina ko pa kinukundisyon ang sarili ko. Nagawa ko na ito noon at kakayanin ko ulit ngayon.

"Nang, yakang-yaka ko na 'to. Don't worry, be happy." Nakangiting sagot ko bago lumabas sa entablado. Nawala ang ngiting iyon at napalitan ng malakas na kabog ng dibdib ko ng makita ko ang mga tao. Nagsimula akong sumayaw sa harap ng mga lalaking naghahanap ng panandaliang aliw. Hiniwalay ko ang pagkatao ko mula sa katawan ko. Iyon lang ang paraan para masikmura ko ang ginagawa ko ngayon. Hindi si Saskia ang nananahan sa hungkang na katawan na ito.

Lipstick LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon