Entry #12 02/02/17 Yannie kun serye

71 1 0
                                    

02/02/17

Mga besh, feb-ibig nanaman.

February na nga, at first day na first day may nagpapatulong na sa akin mangligaw. Nalala niyo pa ba si Yannie kun? Yung kwinento ko dati? Siya yung nagpapatulong sakin ngayon. Tuwang-tuwa naman si lola kasi trip niyang maging kupida. Hahaha. Tinext niya ako kahapon kung ano ba dapat ibigay sa isang special someone o paano ba mang ligaw. Haaisst naku naman. Mukha ba ako'ng may alam sa panliligaw? Lalake ang nanliligaw, eh babae po ako tsong. Ako pa talaga ang tinanung, eh never pa ako'ng niligawan, kumusta naman ang zero experience ko niyan? Hahaha. Pero dahil malikhain ako, at sadyang hopeless romantic, natulungan ko siya.

Here's the plan. Everyday may ibibigay siya'ng rose sa babae with a sticky note na may laman ng poems at quotes ( ako ag nagsulat but I permitted him to use them, isa sa mga na post ko dun sa random things I wrote entry), but to add a mysterious touch, hindi dapat malaman nung babae na siya ang nagpapabigay. So ipinabigay niya dun sa isa naming schoolmate yung rose kanina kasi dormate niya yung girl. Siya agad ang hula nung girl. Bwahahaha. Pero todo deny naman si tsong niyo, may paselos2x effect pa ang lolo niyo kaya hayun na lito tuloy si girl kung sino ang nag pabigay. Bukas friend ko naman na taga CBA yung tutulong samin.

Bakit ko ba siya tinutulungan?

Simple lang naman. Kasi pag nagkatuluyan sila, ililibre ako ni Yannie kun. Mahilig pa naman ako'ng magpalibre. Bwahahaha. XD.

Yun lang po mga besh. Study po muna ako ng Toxicology, at baka ma poison na naman utak ko at di ako maka sagot ng tama bukas. Wag naman sana... huehue.

Never yours,
-Krizia♡

Inside Her Head S1Where stories live. Discover now