Chapter 18

174K 2.6K 975
                                    

      

                                                        *****

PIERCE

 

Some weird things happened to me this past few days. Since the day we went to my father’s birthday party, madalas nang sumasagi sa isip ko si Clarisse. Walang gabing hindi ko siya inisip sa tuwing napapapikit ako ng mga mata hanggang sa umabot pa sa puntong nahihirapan akong makatulog hangga't hindi ko muna siya nakikita. Minsan kinakailangan ko pang mag-imbento ng mga kababawan para magkaroon ako ng dahilan na katukin siya sa kanyang kuwarto.

May dalawang naging pinakaimportanteng oras sa akin sa bawat araw na dumadaan. The breakfast time kung kailan inaabangan ko siya sa kusina para makasabay sa pag-aalmusal at late dinner time kung kailan siya namang kadalasang oras ng dating niya mula trabaho. I started creating a beautiful image of her inside my head. Natuto akong mag-imagine ng isang mabait, malambing at palangiting Clarisse. Yun nga lang naglalaho din itong parang bula sa tuwing magkakaharap kami. Her real mean self didn’t fail to remind me about the reality.

I missed her when she wasn’t around but she pissed me off everytime we’re together. She was a fairy inside my mind whenever I don’t see her but switches to witch whenever she’s in front of my eyes. Paulit-ulit na nangyari ito and I wasn’t happy at all about what's going on with me.

Was I under a spell?

Pinag-isipan kong mabuti ang pinagdaanan ko. Do I like her? I don’t think so. Am I starting to like her? I don’t think so too. Sigurado ako sa sagot ko dahil sa kabila ng mga kakaibang nararamdaman ko para kay Clarisse, I still don’t feel a single strand of sexual desire towards her. Hindi pa nangyari sa buong buhay ko na nagkagusto ako sa taong hindi man lang pumukaw sa aking pagkalalaki. Dalawa lang naman ang cycle ng lovelife ko. Fall in love first then have sex later or sex first then fall in love later. Sex is love. And love is sex. Love is directly proportional to your sexual desires. Ganun lang naman ang katotohanan sa pag-ibig kahit bigyan mo pa ito ng iba’t ibang mga namumulaklak o magarbong kahulugan. You smile, you cry, you fight and you make love.

At ngayong gabi, I made the right decision na yayain ang aking barkada sa paborito naming bar na tambayan ng mga kolehiyala. Matapos kong iburo ng ilang araw ang aking sarili sa bahay dahil sa pag-aaksaya ng oras sa pag-iisip kay Clarisse, sa wakas I returned to my old self. I drank a lot and enjoyed the night to the fullest. The real fun had returned. I finally clarified the confusions I felt for my fake wife, ang lahat ng iyon ay bunga lamang ng pagkabagot.

And after what I’ve been through lately, I didn't expect that there's a wonderful reward waiting for me tonight.

Kasama ko ngayon sa sasakyan ang babaeng nakilala ko sa pinuntahan kong bar. Siya na yata ang pinakamagandang babaeng maiuuwi ko sa bahay. Siya rin lang ang bukod tanging nakilala ko na may pinakamala-anghel na  mukha subalit nag-uumapaw sa sex appeal. From the moment I set my eyes on her, I already felt the flaming desire within me.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon