Chapter 12

1.5K 66 6
                                    


Chapter 12 - Band Aid

FACT :

Luxford Academy is divided into three:

Elementary – Grade 1 - 6

Middle School (aka Grade 7-9)

High School (aka Grade 10 – 12)


Classmate ko si Jacin. Dalawang araw na ang nakalipas simula noong ilipat ang table niya sa room pero...

"Ano ba 'yan June? Seryoso ka bey? Hanggang ngayon hindi pa alam ni Jacin na magka-klase kayo?" tanong sakin ni Roxy. Last week niya pa pala alam na magiging classmate ko si Jacin, siya ang naging kapalitan ni Roxy sa A. Hindi niya lang sinabi agad sa'kin dahil gusto niya raw akong i-surprise. Ang sabi pa niya, marami daw tumutol na mga teachers sa pag-alis ni Jacin sa A, pero desidido na raw talaga itong umalis kaya wala nang nakapigil pa rito.

Matamlay akong tumango sa tanong ni Roxy.

Dalawang araw na ang lumipas nang itulak ako ng mga classmate kong babae sa kabilang dulo ng classroom kaya sobrang nalayo ako kay Jacin.

Napahinto pa nga kaming lahat bigla nang pumasok si Jacin sa classroom noong araw na 'yon. Amoy agad sa paligid ang pabango niya. Deretso ang tingin na umupo siya sa pwesto niya at tumingin sa labas ng bintana habang nakapangalumbaba.

Nakatingin lang kaming lahat sa kanya. Kakaiba talaga kasi ang dating niya, at talaga namang sobrang gwapo niya. Sinusubukan siyang kausapin ng mga babae pero hindi niya pinapansin ang mga ito, hindi niya siguro naririnig dahil naka-airpods siya, o sadyang wala lang siya sa mood na makipag-usap.

Parang gusto ko ngangmaiyak no'n, ang lapit ko na sana kay Jacin. Nakita niya sana ako agad, napansin niya na sana ko, alam niya na sanang magkaklase kami.

Nasa iisang room na lang kami ni Jacin, ang lapit niya lang... pero bakit parang layo niya pa rin?

Wala namang nagtanong kung bakit siya nakipagpalit kay Roxy, bukod sa malaki ang binaba niya sa rankings, alam naming lahat na gusto niya nang makalayo kay Ayu.

"Bakit kasi hindi mo siya lapitan?" tanong ulit sakin ni Roxy.

"Magkalayo kami ng upuan." sagot ko naman.

"Nako naman, June! Para 'yon lang! Wala ka bang paa?!"

"N-nahihiya ako sa kanya."

"Ayan ka na naman sa pagkamahiyain mo eh, 'di ba sinabi ko na sa'yo na wala kang mapapala kung hihiya-hiya ka?"

"Ang daming babaeng lumalapit sa kanya, kung lalapit 'man ako, ano namang sasabihin ko?"

"Ano ka ba naman?" pinaikot niya ang mata niya. "Close na kayo 'di ba? May pa-wave wave at ngiti-ngiti na nga kayo sa isa't isa, eh! Bakit ka pa mahihiya?!"

"Eh kasi—"

"Walang kasi-kasi! Lalapitan mo siya mamaya! Sinasayang mo ang chance mo, June! Sabi mo wala siyang pinapansing babae o kinakausap man lang 'di ba?"

Malungkot akong tumango. "Oo. At kasama ako roon."

"That's only because hindi niya pa alam na classmate ka niya! Lapitan mo siya mamaya! Just say this, 'Jacin!' remember, magpa-cute ka—!"

"Pa-cute? P-paano, Bes?"

"Show him your pretty eyes!" Pumikit-pikit siya at sobrang cute ni Roxy! "Medyo liitan mo ang boses mo, then say this: 'Jacin! I think you should know we're classmates!"

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon