Chapter 8 : That One-Sided Love

307K 14.2K 10.2K
                                    

Hurricane’s Point Of View

Lunch time. Jam-packed ang cafeteria. Di ko alam saan ako uupo kasi pakiramdam ko lahat ng tables ay taken na. This is just too freaking great, the perks of being a transferee.

Naghahanap ako ng mauupan habang dala-dala parin ang tray ko nang bigla na lamang may umagaw nito.

“Akin na nga yan” Nagulat ako nang makita ko si Melchoro pala.

You jerk wag mo akong agawan ng food!” Sigaw ko sa kanya at sinubukan itong kunin mula sa kanya.

“Tch. As if naman gusto ko to. Inutusan lang ako ni Puma. Dun ka daw sa table namin” Itinuro niya ang table sa hindi kalayuan, andun si Puma kumakaway sa akin. Madami siyang kasama. Maa-out of place ako nito for sure. Pero teka magkakilala sila ni Puma?

Gutom na ako and I seriously need a table to sit in kayat sumunod na lamang ako kay Melchoro. Tong lalaking to,parating masungit, daig pa ang nireregla. -_-

“Hurri!” Nakangiting bati sa akin ni Puma na may pakaway-kaway pa. May future tong maging pulitiko parang nangangampanya na eh -_-

“Thanks” I told her as I sat on an empty chair next to this guy who looks like a dog in uniform.

“Hey, Im cooper” The guy who looks like a dog greeted me and cockily smiled na para bang nagpapa-cute. Inaayos-ayos pa niya ang kwelyo ng uniform niya. Tss.

“Don’t even try. Im not interested,” I said as gave out my smirk and raised my palm. "Magkakilala pala kayo?" I asked Puma and pointed Chord.

"Ah eh. Bestfriends kami since kinder" Utal-utal na sagot ni Puma. 

“Shane!” Nagulat kaming lahat nang bigla na lamang sumigaw yung isang guy sa dulo ng table. I leaned forward to take a closer look. Whoa si Korni-blind guy pala, as usual ang lapad na naman ng ngiti niya. What a small world, magkakabarkada pala sila -_-

“Magkakilala kayo?” Tanong ni Puma na halatang nagtataka gaya ng iba.

“Excuse me, babalik ko muna to” Paalam nung girl na katabi ni bulag at agad na umalis. Come to think of it siya ata yung kasama niya kagabi.

“Galing mo talaga Dilly nakilala mo agad ang boses niya?" tanong ni Chord kayat tumawa lang si Dilly.

"The perks of being blind. Mas gumagana ng maayos ang other senses ko. Pero kung tutuusin mas bulag si Puma kesa sa akin." Sabi ni Dilly na para bang nanunukso pero bat ganun, pakiramdam ko may pinapahiwatig siya.

"Ha? bakit naman ako naging bulag? haha" Nagtatakang tanong ni Puma.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon