Kabanata 27

2.4M 52.1K 127K
                                    

[Kabanata 27]

"Carmela... Hija, Kumain ka na" narinig kong sabi ni madam Olivia at may dala siyang tray ng pagkain para sa'kin. nandito na kami ngayon sa barko pabalik ng San Alfonso, sa kwarto ni madam Olivia ako nagtatago. Dalawang araw na rin ang lumipas mula nang mamatay si Don Mariano.

Pero sobra pa din akong naaapektuhan, mas nagaalala ako sa kalagayan ngayon ni Juanito, huli ko siyang nakita sa Bagumbayan habang binubugbog ng mga guardia civil.

"Madam Olivia, nakausap niyo na po ba si Don Buencamino? Kelan daw po ako-----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si madam Olivia.

"Nakausap ko siya kaninang umaga, mamayang hatinggabi daw dadaanan ka niya dito upang samahan papunta kay Juanito" sagot ni madam Olivia, bigla naman akong nabuhayan ng loob. Ang pagkakaalam ko nandito rin sa barko Heneral Seleno sa barko at bihag niya ngayon si Juanito upang ibalik sa San Alfonso.

Matapos barilin si Don Mariano sa Bagumbayan, dinakip din ni Heneral Seleno si Juanito, Sonya at Ignacio upang ibalik sa San Alfonso. Agad namang nakagawa ng paraan si madam Olivia upang maipuslit niya ako sa barko sa tulong ni don Buencamino para makabalik ng San Alfonso bago pa may makaalam na nasa Maynila ako.

"kaya kumain ka na" tugon niya pa. 10 pm pa lang ng gabi, so ibig sabihin dalawang oras pa ko maghihintay. Hindi na ko mapakali, gusto ko ng makita at malaman ang kalagayan ni Juanito.

"Madam Olivia may medical kit ba dito?" tanong ko sa kaniya, nagets naman agad ni madam Olivia na gusto kong gamutin ang mga sugat ni Juanito, "Hindi ko alam, pero may alam akong halamang gamot na makakatulong sa paghilom ng mga sugat" sagot niya at agad niya akong sinabihan na wag lalabas ng kwarto dahil pupunta siya kay don Buencamino para magtanong kung may stock sila ng mga halamang gamot.

Napatanaw na lang ako sa bintana ng kwarto dito sa barko, ang lamig ng hangin parang nakikiramay siya sa puso kong nilalamig rin.

Ilang saglit lang, dumating na si madam Olivia at may dala-dala siyang basket na may lamang mga halamang gamot, tabo ng tubig at puting tela. Nakita kong nasa likod niya din si Don Buencamino, bakas rin sa mukha niya ang kalungkutan dahil sa nangyari sa matalik niyang kaibigan na si Don Mariano.

"Hija... ito na ang mga dahoon ng bayabas, napakuluan ko na rin iyan, at ang katas nito ang ihuhugas mo sa mga sugat ni Juanito" sabi ni madam Olivia sabay abot sa'kin nung basket, "Isuot mo rin ito, at hangga't maaari ay yumuko ka lang para walang makakilala sa iyo" dagdag pa ni madam Olivia at isinuot niya sa'kin yung itim na belo na lagi niyang suot.

"Para makapasok ka sa kulungan ng mga preso dito sa bahagi ng barko, kailangan mong magpanggap bilang si madam Olivia" sabi naman ni Don Buencamino. Napatingin naman ako kay madam Olivia at tumango lang siya sa'kin.

"Pero... madam Olivia pano kung malaman nila na nagpapanggap lang ako... madadamay po kayo----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi hinawakan ni madam Olivia ang magkabilang balikat ko.

"Madamay na kung madamay... ang pagsunod ko sa iyo dito sa Maynila ay isang patunay na handa akong tulungan kayo ni Juanito" tugon pa ni madam Olivia, hindi ko alam pero parang bigla akong nakahinga ng maluwag. Hindi ko akalaing handa si madam Olivia ilagay sa peligro ang sarili niya para matulungan lang kami.

Pakiramdam ko dati mag-isa lang ako sa misyon na to pero ngayon hindi ko akalain na madaming tao sa panahong to ang handang tumulong sa'kin.





"Ipakilala niyo ang inyong sarili at ilahad ang inyong pakay?" seryosong tugon nung guardia civil na bantay sa kulungan dito sa barko. Maliit, madilim at may mga manok at baboy sa tabi ng tatlong makipot na selda dito sa kulungang bahagi ng barko.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon