C12: Conflicts

318K 6.4K 1.8K
                                    


BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

--

Summer's POV


"Nakalimutan mo na ba talaga ang lahat?"

Nasa harap ko si Alex. Nakatingin siya sa akin nang deretso na para bang ako'y isang kriminal na iniimbestigahan ng isang pulis. Hinatak niya ako kanina pagkatapos mag-usap usap ang buong klase.

"Tumingin ka sa akin Summer. Sagutin mo ang tanong ko"

"May mga nakalimutan ako pero di ko sinasabi na lahat. Naalala ko pa rin ang mga panahon na yon. Naalala ko pa ang mga ginawa sa akin ng mga taong akala ko'y kakampi ko at noong nanyari ang aksidente--" pagpapaliwanag ko na agad naming pinutol ni Alex.

"Aksidente?" Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Bakit?" Tanong ko.

"Akala mo ba maniniwala ako sa aksidenteng sinasabi mo Summer?"

"What are you trying to say? Na sinungaling ako?"

"Hindi."

"Pano mo nasabi na hindi aksidente yon?" pumameywang ako habang tinanong siya.

"Alam ko lang." Pagkatapos ay ngumiti siya. Ngiti na sobrang kakaiba, na para bang may ibang kahulugan.

"Kung iyan lang ang sasabihin mo Alex. Mas mabuting umalis na ko." Tumalikod na ko sa kanya at naglakad palayo...

"Ano bang plano mo Summer?" Ilang hakbang palang ang layo ko sa kanya. Napatigil ako. "Ba't ka pa bumalik?" pagpapatuloy niya. Agad akong lumingon sa kanya at tumugon sa muli niyang pagtatanong.

"Namiss ko lang ang dati kong best friend." Ngumiti ako nang sobrang tamis na alam kong mas makakapagpainis sa kanya.

"Sorry, hindi kita namiss." Tugon naman niya."Simula noong sumikat ka. Pinagkalulo mo na ako. Pinagtabuyan at inapak-apakan. Sa tingin mo, maiituring pa kitang kaibigan?!"Napangiti lang ako sa sinabi niya at tuluyang lumakad palayo.

Tama siya. Simula noong naging kilala na ko... tinapon ko na ang mga basura sa buhay ko. Inapak-apakan ko na ang mga magpapabaho sa imahe ko. Binago ko ang sarili ko, mas naging sosyal at palakaibigan ako. Mas naging mabait ang pakikitungo ko sa iba. Binase ko ang sarili ko sa gusto nilang maging ako. Mahal ako ng lahat, pinag-aagawan ako ng mga lalaki at maraming lumalapit sa akin. Nasa akin na ang lahat ng gugustuhin ko.

Pero nagbago ang lahat dahil sa kanya at dumagdag pa siya.

I was humiliated, I was betrayed. Pero tiniis ko lahat ng iyon. Tiniis ko lahat ng hirap at pasakit na binigay nila sa akin. Biglang bumaliktad ang mundong ginagalawan ko... sa isang iglap biglang nawala ang lahat... naagaw niya ang mga pagmamay-ari ko. Sinira niya ako...

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon