Chapter 2: The Accident

52.9K 1.8K 217
                                    

Chapter 2: The Accident

Babala:

May mga ilang scenes na medyo hard. Kailangan ko ang inyong pagiging open minded.

Enjoy Reading~


Sakura Holman's Point of View

Gulat na gulat ako nang humiyaw si Alexei dahil sa ginawa ng babae. Hinawakan niya ang aking kamay at tulalang nagpatangay ako sa kanya.

"Habulin niyo sila!" rinig ko na sigaw ni Alexei.

"Fuck!" malakas na mura ng babae.

Sa sobrang takot ko ay napahigpit ang kapit ko sa kamay ng babae na hindi ko man kilala. Takang nilingon niya ako at kitang-kita ko nang sumilay ang isang ngisi sa kanya.

Nakisiksik kami sa mga taong sumasayaw. Sa bawat dadaanan namin ay lahat sila ay nagagalit dahil sa aming kapangahasan. Isa-isa akong nag-sorry sa kanila. Papunta na kami ng exit na may muntik na siyang makabangga at napatili ako ng malakas na muntik ko na mabunggo siya.

Nanlilisik na tiningala ng babae sa taong humarang sa kanya. Kinakabahan ako na makita ang kala ko magagalit ang lalaki pero nagkamali ako, napaatras pa ang lalaki sa kanya.

"Huwag niyo silang palalabasin!"  

Napalingon kami sabay ng babae na makita naming tumatakbo ang mga kaibigan ni Alexei papunta sa amin. Lalo pang napahigpit ang kapit ko sa babae.

Takang nilingon niya ako at binalingan ang lalaki na muntik na niyang makabangga.

"Ikaw na ang bahala sa kanila," bulong niya ng mahina. 

Matapos iyon ay walang salita na tumakbo siya habang hawak niya ang aking kamay. Nang makarating kami sa parking lot ay galit na galit siyang sumandig sa isang kotse.

"Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon," hingal na hingal na sabi niya.

Ginaya ko rin siya at sumandig din sa kotse para magpahinga.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Huwag mo ako tignan dahil iyan ang pinaka ayaw ko sa lahat," galit na sabi niya sa akin.

"T-Than-k y-you," kinakabahang sabi ko sa kanya.

Kunot-noong tinignan niya ako. "Nagpapasalamat ka lang sa akin ay bakit kailangan mo pang kabahan?"

HIndi ko alam ang dapat sabihin. "I-I'm sorry!" sabay yuko ko na lang.

"Bakit ka nag-sosorry sa akin? May ginawa ka bang masama sa akin?"

Umiling ako sa kanya bilang sagot. Nakakatakot naman siya.

"Huwag kang magpasalamat sa akin dahil in the first place, hindi kita tinulungan dahil nakakaawa ka. Hinila lang kita dahil gusto kong inisin ang mga lalaking iyon."

Naguguluhang tumingin ako sa kanya.

"Simple lang babae, ginagawa ko ito para sa sarili ko at hindi para sa kapakanan mo. At dahil nag-sorry ka sa akin na hindi ko gusto yun marinig ay kailangan mong bilhin lahat ng products na binibenta ko."

"O sige," sabay labas ng wallet ko. Kumuha ako ng pera at hindi na ito binilang. Nang i-aabot ko sa kanya ang pera ay nagtaka ako sa expression ng kanyang mukha.

Galit kasi siya nakatingin sa akin.

"W-Why? May ginawa ba akong mali?" kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Stupid!" galit na sigaw niya sa akin. "Nag iisip ka ba?!"

Nagulat ako sa sigaw niya at gusto kong maiyak sa sinabi niya.

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon