Chapter 147

829K 33.5K 33.9K
                                    

I love... Me?

Jay-jay's POV

Marami ako'ng kinatatakutan. Sobra'ng dami hindi ko na mabilang. Pero nagagawa ko'ng harapin yung mga yun.

Parang ngayon kaharap ko yung kinatatakutan ko.

Si Kuya Angelo...

"Yuri said hinatid ka daw nya ng 5:38pm dito." Sabi nya habang naka-cross arm.

"5:38pm ba yun? Parang mga 6 something na yun eh." Sabi ko, kuwaring patay malisya sa gusto nya'ng iparating.

Napataas ang isang kilay nya habang nakatingin sakin. Ako naman tong umiwas. Alangan namang makipag-sabayan ako ng titig sa kanya.

12am na ko nakauwi, medyo matagal pa kasi kaming nag-drama. Umiyak, nag-usap at....you know----nag-ano.... nag-usap ulit.

Akala ko pag-uwi ko tulog na sila. Yun pala hinihintay ako ni Kuya Angelo. Hindi na ko nakapag-dahilan kasi pala tinawagan na nya si Yuri.

"Saan ka galing?" Mahinahon nyang tanung.

Signal #1!

"D-Dyan lang..." Sagot ko.

"Saan yung dyan lang?!" Tumaas na yung tono ng boses nya.

Signal #2!

Saan nga ba yung 'dyan lang'? Wala naman ako'ng alam na lugar na bukas ng ganito'ng oras. Except dun sa mini mart na binibilan ko.

"Sa may Mini Mart."

Huminga ng malalim si Kuya at napahawak sa sintido nya.

"Galing dun si Aries... Bakit hindi kayo nagkita?!"

Signal #3!

Patay! Nagpupunta pala ng Mini Mart ang isang yun? At ngayon pa talaga nya naisipan. Wew!

"Tinaguan ko sya." Mabilis kong sagot.

Wow! Ganda ng dahilan mo Jay.

Agad akong tinignan ng masama ni Kuya. Alam ko naman na kuha nya'ng nagsisinungaling ako. Pero anung malay, baka makalusot.

"Mahirap bang sabihin kung saan ka galing?!" Galit na tanung nya.

Signal #4!

Ayan na ang delubyo! Yari ako nito.

"...Tignan mo nga yung oras?! Uwi ba ng matinong babae yan?!"

Nakayuko lang ako habang kinakagalitan nya. Alam ko naman yun pero kasalanan kasi talaga nung Hari ng mga Ulupong.

Yung pwede ko lang sana sabihin sa kanya yun. Pero syempre....hindi. Baka maging katapusan ko na kapag nalaman nya yung nangyari kanina.

"Angelo..." Tawag ng kung sino.

Sabay pa kaming napalingon. Si Tita Gema at naglalakad palapit samin.

"...Gabi na. Bukas ka nalang manermon. May pasok pa yan." Utos nya.

"Maya-maya Ma. Kailangan lang kami'ng magkalinawan nito." Sabi ni Kuya sabay tingin sakin ng masama.

"Bukas na nga..." Pagpipilit ni Tita. Tinignan nya ko at sinenyasan na lumapit sa kanya. "...Tara na. Yaan mo na yang si Kuya mo."

Agad naman akong lumapit kay Tita. Hindi ko na tinignan si Kuya dahil alam kong tutunawin lang ako ng titig nya.

Hinatid ako ni Tita hanggang sa harap ng kwarto ko.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon