Chapter 29 ♬ Arnis Fighter

55.3K 941 59
                                    

CHAPTER 29 - ARNIS FIGHTER 

SERENE


Nagulat ako matapos makita na ganito pala kalakas si lola. Napatumba niya lang naman ang dalawang lalaking nagtatali sa amin kanina ng walang kahirap-hirap. Akala ko pa naman kung ano na ang narinig ko, iyon pala binugbog na sila ni lola dahil sa sobrang dami ng satsat nilla at sa patuloy na pagtawag sa kanyang 'matandang babae at uugod ugod na'.

Psh, wrong move para sa kanila iyon dahil natikman nila ang galit ni lola.

Sabi na nga ba at hindi basta-bastang baston ang dala ni lola dahil minsan ko nang nakita ang ganung uri ng kahoy. Hanggang ngayon nabibilib pa rin ako sa tuwing nakikita ko si lola na gumamit nu'n. Para akong isang bata na nakakita ng isang artista sa TV na bihasa sa paggamit ng arnis dahil kulang na lang ay maupo ako sa gilid at masayang pumapalakpak sa tuwing nakakapagpatumba siya gamit ang sandatang hawak niya.

Patuloy pa rin kaming sinusugod ng iba pang mga lalaki ngayon dahil sa tuwing may nagtatangka, tumba agad. Nakita ko mula sa mga mata niya na nagulat din siya sa estilo ko sa pakikipaglaban. Kanina nga pinipigilan pa niya ako na lumaban dahil ang akala niya mahina ako at walang kwenta tulad ng inaasahan niya. Subalit magmula ng sunod-sunod nang sumugod ang mga kalaban, tumulong at nakisali na rin ako sa gulo.

May napansin akong iba pang grupo ng mga lalaki 'di kalayuan. Ano kayang ginagawa nila roon? Nagtatago sa dilim?

May isa sa mga lalaki ang sumugod. May hawak din siyang arnis ngunit hindi naman niya alam kung paano gamitin. Noong mapatumba siya ni lola ay pinulot niya ito sabay hagis sa akin. Tulad ng dati seryoso at nakakatakot pa rin ang itsura niya lalo na sa tuwing sumusugod at nakikipaglaban. Pero ngayon, hindi ko maiwasang mapangiti nang malaman na may kabaitan din pala siyang itinatago sa likod ng masungit at nakakatakot niyang ugali.

Habang hawak ko ang isang arnis sa kamay, hindi ko maiwasan na maalala ang pagsasanay namin ni kuya noon.

"Rene alam mo bang arnis ang tawag dito? Ginagamit ito para sa self defense."

"Talaga kuya? Eh mukha namang ordinaryong kahoy lang ito ah."

"Ordinaryo, oo. Pero kung alam mong gamitin, mas higit pa ito sa inaakala mo."

Napahawak ako ng mahigpit sa kahoy na hawak ko. Tama nga ang sabi ni kuya noon. Kung alam mong gamitin ng maayos ang isang bagay, mapapakinabangan mo 'to ng higit pa sa inaasahan mo.

Hindi ako gano'n kabihasa rito dahil ang paggamit ng katana ang higit na binigyan ko ng focus na pag-aralan. Naging topic namin ito noon, nakakapanghinayang nga na hindi ko 'yun sineryoso. Gayunman, inisip ko na lamang na ang katana ko ang hawak at hindi isang kahoy.

Pinaikot ko sa aking kamay ang kahoy na hawak bago inaambangan ang sino mang magtangkang lumapit sa akin. Madali lang naman akong kausap, kung hindi mo ako sasaktan hindi rin kita pakikialaman. Back to back kaming nakipaglaban ni lola at wala pang ilang sandali natapos na naming silang lahat ng mas mabilis sa inaasahan.

"Saan mo natutunan ang paggamit ng arnis?" tanong sa akin ni lola.

"Hindi po talaga ako marunong. I just act on my instinct." Inabot ko pabalik kay lola ang arnis. Bago sa akin ang arnis dahil madalas, espada ang hawak ko. Hindi ko gaanong alam kung paano gamitin 'yung kahoy kaya ginamit ko ito sa paraan na alam ko. Itinuro man sa akin ito ni kuya noon, masasabi kong hindi pa ako ganu'n kabihasa pagdating dito. Gayunpaman, masasabi kong kahit papaano ay may kaunti akong kaalaman pagdating dito.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon