Chapter 149

795K 31.2K 16K
                                    

Father

Jay-jay's POV

Yung ang ganda ng gising ko sa hindi ko maintidihan na dahilan. Mapapakanta nalang...

"🎶Good morning sa inyo...🎶" Kanta ko habang naliligo.

Eh kese nge... Enebe.

Yack! Hindi bagay sakin. Bakit ba ko biglang naging pabebe? Hayop yan!

Paglabas ng banyo, bumungad sakin ang seryoso'ng muka ni Ci-N habang naka-harap sa phone nya.

Nauna kasi sya'ng maligo sakin. Kaya ngayon nakagayak na sya. At ako naman tong magkukumahog sa pag-aayos.

"Magpa-tanghali na tayo." Sabi nya na ipinagtaka ko.

"Ha? B-bakit naman?"

"Delikado." Yun lang sinagot nya at muling nagpipindot sa phone nya.

Weird.

Kinuha ko din yung phone ko. Nagbabaka-sakali na meron akong message. Pero wala ako'ng natanggap kahit isa.

Wala ni-isa galing sa mga Ulupong. Wala ni-isa galing kay Yuri. Wala rin ni-isa galing sa Hari.

Anu'ng meron? Dati may text ako, bumabati ng good morning. Pero ngayon, wala kahit isa.

Binaba ko nalang yung phone ko at nag-ayos.

"Anung oras tayo papasok?" Tanung ko kay Ci.

Hindi sya sumagot kaya lalakad na sana ako palapit sa kanya pero bigla nalang may kumatok sa pinto at pumasok yung isa sa maid nila Tita.

"Miss Jay... Baba na daw po kayo. May gusto daw po'ng kumausap sa inyo."

Nagkatinginan kami ni Ci-N. Hawak pa rin nya yung cellphone nya.

"Sino daw po?" Tanung ko.

"Ayaw po ipasabi. Basta po sabi ni Sir Angelo, tawagin ko na daw po kayo."

Nag-nod nalang ako sa maid. Kahit nagtataka kinuha na namin ni Ci yung mga bag namin at lumabas. Dumiretso kami sa sala sa pag-aakala'ng andun sila pero wala.

Asan yung mga yun?

Sakto namang dating si Aries. Nakatingin sya samin at parang may hinahanap.

"Asan sila Mama?" Tanung nya sakin.

Umiling ako. "Hinahanap ko din sila."

Agad na naglakad si Aries papunta sa kusina pero bumalik din sya agad. Mukang wala din sila dun.

"Jay... May tao ata sa labas nyo." Sabi ni Ci habang nakaturo sa gate.

Unang lumabas si Aries at sumunod naman kami. Mukang tama nga si Ci, at andito din sila Kuya Angelo at Tita Gema.

Puro kotse'ng itim na sinamahan pa ng mga lalaking naka-black suite. Naka-shades at may kung anu'ng nakapasak sa isang tenga.

NBI?

"Tita..." Tawag ko kay Tita Gema.

Tinignan nya ko at agad na tinago sa likoran nya. Anu'ng meron? Kahit si Aries nagtataka din.

"Kayo po ba si Ms. Jasper Jean Mariano, Ci-N Peralta at Michael Aries Fernandez?" Tanung nung isang lalaki'ng naka-itim na may hawak na papel.

Nagtinginan kami ni Ci-N, pasimple syang sumenyas ng 'wag' sakin. Naiintindihan ko naman dahil hindi naman namin sila kaki----

"Oo! Kami nga! Bakit?!" Sagot ni Aries.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon