Chapter 150

794K 30.9K 16.4K
                                    

Escape plan

Jay-jay's POV

Dangkal!

Dangkal nalang ang pagitan ng kotse ni Keifer at ng Daddy nya. Akala ko sasagasaan nya talaga pero pumreno sya bigla.

Huminto yung pagtibok ng puso ko don. Muntik na ring humiwalay ang kaluluwa ko sakin. Pakshit yan!

Bumaba si Keifer ng kotse nya at agad na tinignan ng masama ang Daddy nya.

"You're blocking my drive way!" Sabi ni Keifer.

Hindi sumagot yung Daddy nya. Ngumiti lang sya at naglakad na pabalik sa bahay. Ang weird pero hindi ko man lang nakitaan ng takot.

Nakita ko si Yuri na naglalakad palapit samin. Seryoso'ng seryoso sya lalu na nung makita nya sila Aries at Ella.

"Bakit kami sinundo ng Tatay mo?" Tanung ni Felix kay Keifer.

Pero hindi sya sumagot. Agad sya'ng naglakad palapit dun sa malaking bahay nila at pumasok dun sa yayamaning pinto.

Tinignan ko si Yuri sa pagbabaka-sakali na may isasagot sya samin pero sumunod lang din sya kay Keifer.

"Anu bang nangyayari?" Tanung ko.

Dahil obvius naman na walang makasagot nanahimik nalang kami sa kinatatayuan namin.

May ilang minuto rin siguro kaming nakatayo don ng bigla'ng maglakad si Aries papasok sa bahay kasunod si Ella.

Ay wow! Feel at home?

"Aanu yun?!" Tanung ni Eren.

"Wala'ng mangyayari satin dito! Tara na!" Sabi ni Rory at agad na naglakad papasok sa bahay.

Dahil mga hindi alam ang gagawin, sumunod naman kami. Pagpasok sa loob nahiya ang sapatos ko sa kintab ng sahig nila.

Anu'ng sabi ni Sia sa chandelier nila? Mas malaki pa to sa nasa hotel nila Yuri. Ang putik! Hindi lang ako mag-swing dito, matutulog pa ko.

Wala'ng wala yung tinitiran ni Keifer sa mansyon na to. Presidente ata ng pilipinas nakatira dito.

"Good morning." Bati samin ng isang babae na nakasuot ng pang-maid.

Nanliit ako, mas muka pa kong katulong sa kanya. Ang kinis kasi ng balat nya at sobrang linis ng suot. Nahiya yung uniform kong tinakbuhan ng plantsa.

"Sumunod po kayo sakin." Sabi nya at naglakad.

Nangunguna sa pagsunod si Eren. Chicks eh! Habang naglalakad, panay ang tingin ko sa paligid. Ang lalaki ng painting na nakasabit sa pader. Sing-laki ata ng kama ko sa kwarto.

May binuksang pinto yung babae'ng sinusundan namin. Sinenyasan nya kami'ng pumasok. Lakad naman kami habang nakapila. Para kami'ng nasa feild trip.

Nice nice!

Dalawang sofa set ang bumungad samin. Eto ata yung receiving area nila. Ang mga kumag agad na tumakbo at humilata dun sa sofa. Kanya-kanya naman tingin yung iba.

May kumalabit sakin. Tinignan ko naman at si Ci-N lang pala. Nilapit nya yung bibig nya sa tenga ko at bumulong.

"Samahan mo ko... Mag-CR ako." Sabi nya.

Buti nabanggit nya! Kanina pa nga din ako naiihi. Nag-nod naman ako sa kanya at lumabas na kami ulit.

"Asan kaya ang CR?" Tanung ko.

Hindi sumagot ang Ci-N. Bigla nalang sya'ng naglakad paalis. Kahit nagtataka sumunod nalang ako sa kanya.

Kung saan saan kami nagsuot. May apat na maid na ata yung nasasalubong namin pero hindi man lang nagtatanung si Ci or nakikipag-usap sa kanila.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon