Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?

32.6K 367 52
                                    

Chapter 36

Lumipas ang mga araw hanggang sa naging sabado. Nagising ako na kulang na lang ay bombahin ako ng magkapatid na Nyree at Kelly sa higaan ko. Tili sila ng tili na tila ba sabik na sabik sa kung saan man. May patalon talon pa silang nalalaman sa higaan ko kaya wala akong magawa kundi magising ng wala sa oras. 

"Ate master! Ate master! Wake up!" 

"It's the day! Kyaaaah!!" Sigaw nilang pareho. Umupo ako sa hinihigaan sabay takip ng dalawa kong tenga.

Ano bang nangyayari sa mundo ngayon? 

"It's the day of what?" hinihikab kong tanong. Babalik pa sana ako sa pagkakahiga nang bigla na lamang nilang hinila ang kamay ko.

"Taping ng banda para sa bago nating music video!!" 

"Huwag mong nakalimutang nakalimutan mo na ate? Today is the day!!" 

Oh. Oo nga pala. Ngayon iyon! Sinabi na nila sa akin ito noon. Dapat nga ay noong nakaraang mga linggo pa ito mangyayari pero laging nadedelay dahil na rin sa hectic ng schedules namin. Masaya ako na sabado na ngayon. Sa wakas! Atleast sa dalawang araw lang na weekend ay wala muna akong iisipan na Maeda Mora.

"Kaya ano pang hinihintay mo ate? Bangon bangon na!!" 

"Ayaw mo naman sigurong ma-late diba?" 

Bumaba na silang dalawa sa kama ko at magkahawak kamay na nasisitalon sa tuwa. Pagkatapos, lumabas na sila ng pinto para magpalit. Narinig ko pang ginagising nila si Julian at Reece na tulad ko ay gusto pang matulog. 

Pagdating sa nasabing venue ay nagulat ako sa kagandahan ng lugar. Nasa bukid kami, sa taas ng bundok. Ang tataas ng mga talahib at napakaraming puno sa paligid. Sumasayaw ang mga puno sa hangin, masayang nagsisiawitian ang mga ibon.

Napakatamis ng simoy ng hangin. Ang sarap damhin ang bawat sandali.

"Serene?" tawag sa akin ni Niel. Napakalaki ng ngiti sa mukha nya, lumalabas ang mga tagong dimples na nakakatuwang pagmasdan. May dala syang saklay mula sa nakaraang insidente pero hindi sya napigilan nito para hindi makasama ngayon. "Halika na."

Noong lumakad sya ay sumunod ako. Buong banda ng The Intricate ay kumpleto. Pwera lang pala si kuya Paul na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabakasyon dito sa Pinas. Tumawag sya noong isang araw at sinabi na hindi pa raw ito ang tamang oras. Sa totoo lang sa ngayon, dahil sa sobrang kabusy-han namin ni Julian, sya ang nagmamanage ng ibang mga kailangang ayusin sa Intricate gang.

Si Julian ang umaktong driver namin sa araw na ito. Tinawagan ko si Jace pero hindi nya sinagot. 'Good morning panda :)' ang text nya sa akin kanina. Pero pagkatapos nun, hindi na sya nagparamdam. Siguro nasa opisina sya ngayon. Sana pumunta sya. 

"Miss Serene! Halina po kayo rito! Kayo na po ang susunod na mamake-upan!" ngumiwi ako pero tinawanan lang ako ni Niel at Julian.

Heto na naman tayo sa make-up issue na yan. But oh well. Mas mainam na rin para maitago ang pasa sa mukha ko na nag-uumpisa ng gumaling.

Matapos ang isang oras na pag-aayos sa akin, iniabot nila ang violin ko. May anong tuwa ang namutawi sa mga labi ko dahil sa muli kong pagkakahawak nito. Sa sobrang busy kasi ay malimit ko na lamang itong mahawakan lalo na ang matugtog. Niyakap ko ito ng napakahigpit sa dibdib ko na parang isang kaibigan na matagal kong hindi nakita.

"Okay pwesto pwesto na po!" papalakpak na tawag sa amin. "Miss Serene?" may isang staff ang pumasok sa loob ng tent na kinalalagyan ko. "Magsisimula na po." Tumango ako.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon