Chapter 152

791K 33.2K 19.4K
                                    

Gun

Jay-jay's POV

Tumigil ang lahat. Litiral na tumigil. Masama ang tingin sakin ng lalaki'ng naka-black suite sa harap ko. Na sya ring may hawak na baril at nakatutok sakin.

"Kalabitin mo yang gatilyo!" Pag-uulit ko.

Timingin yung lalaki'ng kaharap ko sa Daddy ni Keifer at sakin.

"Jay! Shut up!" Sigaw sakin ni Aries.

Hindi ko sya pinansin. Diretso lang tingin ko dito sa pvtarages na kaharap ko.

"Kalabitin mo..." Utos ko sa kanya.

"Anu bang ginagawa mo Jay?!" Galit na tanung ni Yuri.

Hindi ko din sya sinagot. Walang kumukurap samin nitong kaharap ko. Subukan lang nya, pipitikin ko yung talukap ng mata nya.

"Kalabitin mo na!" Sigaw ko. "...Hindi mo magawa no?" Napangiti nalang ako ng hindi sya sumagot. "...Anu nalang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang may namatay na istudyante dahil sa mga Watson? Kasiraan sa inyo yun."

Tumahimik silang lahat. Mukang nakuha din naman nila yung ibig kong sabihin.

"...Kayayanin nyo bang pumatay ng istudyante'ng walang laban?" Pangongonsensya ko.

Kahit yung ibang naka-black suite na may baril parang napa-isip din.

"...Anu nalang sasabihin ng mga business partners nyo? Anu nalang sasabihin ng maraming tao at anu'ng sasabihin sa inyo ng Papa ko?"

Dead air!

Palitan ng tingin ang ginawa ng iba. Meron namang tumingin sa Daddy ni Keifer. Pero etong kaharap ko, pinanindigan ang titigan portion naming dalawa.

Bigla nalang nag-slow clap yung Daddy ni Keifer at naglakad palapit sakin.

"Put the gun down..." Utos nya at hinarap ako. "...You're a brave woman, you know?"

Kung alam mo lang. Yung isang taong tapang na inipon ko para pang-harap kay Kuya, nagamit ko na ata.

Hindi na ko sumagot sa kanya. Lumakad sya palapit kay Keifer at kinuha yung papel.

"Akala ko nalamangan na kita ngayon... Pero mukang mali ako." Sabi at tumingin sakin. "...You and your friends can leave now. I'll talk to you again next time."

Naglakad na sya paalis kasama nung mga lalaki'ng naka-black suite. Pero etong kaharap ko tinignan muna ko ng masama bago tuluyang umalis.

Titingan pa!

Nanginig ang tuhod ko at kusa nalang ako'ng bumagsak sa sahig ng mawala sila sa paningin namin. Agad namang lumapit sakin sila Ci-N at David para alalayan ako.

Yung takot na pilit kong nilalabanan kanina, eto na at lumabas. Hindi na kinaya ng katawan ko. Yung puso ko, abnormal na sa pagtibok. Kulang nalang humiwalay na sakin.

"Okay lang Jay?" Tanung ni David.

Napahawak ako sa braso nya. "Jusme! Akala ko mamatay na ko!"

Napatingin ako kila Yuri na pilit inaaalalayan yung Hari. Ma-pride din ang mokong dahil panay ang tanggi nya.

"Ang tapang mo kanina... Nakaka-proud ka." Sabi ni Ci-N.

Naks!

Napangiti nalang din ako. Habang kinakamusta ako ng iba, hindi ko namalayan na naka-lapit na pala sila Keifer samin.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon