Chapter 3

25.8K 870 596
                                    




Pagod na pumasok ako sa loob ng bahay pagkauwi ko galing sa shop. Eight na ng gabi ako nakauwi dahil sa sobrang daming customers kanina at tatatlo lang ang workers ko sa shop. Isang flower shop ang tinayo kong negosyo at hindi ko alam kung bakit biglang dumami ang customers kanina. Hindi naman Valentine's day ngayon kaya nagtataka ako na biglang napuno ang shop kanina. Madalas kasi na umaabot lang na sampu ang customers ko sa isang araw dahil madalang lang naman na mabenta ang bulaklak kapag may okasyon o may mga gusto pagbigyan non.

Ayun ang mahirap sa isang flower shop madalang ang customers kaya yung ibang bulaklak ay nalalanta agad dahil hindi ito masyadong nabibili pero mabuti na lang ay may magaling akong taga-alaga ng mga bulaklak kaya hindi naman ako nalulugi. Tapos ngayong araw ay bigla kaming dinagsa ng mga tao. Halos na ubos ang naka-display na bulaklak sa shop kanina. Parang sabay-sabay ang monthsary, anniversary o kung anong okasyon ang meron ang mga tao ngayon kaya nakitulong ako sa mga workers ko na i-assist ang mga customers kaya napagod ako ngayong araw.

Pero ayos naman 'yon dahil nakabenta kami at kahit papaano ay nakalimunta ko ang naging problema ko sa bahay pero dahil nandito na ulit ako ngayon sa bahay ay parang nadagdagan ang bigat na nararamdaman ko ngayon. Kailangan ko na rin ipaliwanag ng maayos kay Kevin ang nangyayari at sana maintindihan nya ito kahit na hindi maganda sa isang pamilya na may kabit kaming kasama.

"Hey, pagod na pagod ka." bungad sakin ni Lorenzo pagkapasok ko ng bahay. Agad syang lumapit sakin at kinuha ang gamit ko. Hinayaan ko na sya dahil pagod ako para iwasan pa sya.

"Mommy!" napawi ang pagod nang makita ko ang anak kong patakbong lumapit sakin at binigyan ako ng isang yakap. Napangiti ako at niyakap din sya. Makita ko lang anak ko ay okay na ako.

"Hey, baby boy. Kamusta araw mo?" tanong ko sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. Kahit na ten years old na sya ay hindi sya nahihiyang halikan ko sya at tawagin na baby boy. Ewan ko rito kung bakit dahil yung ibang bata dyan ay ayaw nang tinatawag ng ganon dahil hindi naman sila baby pero si Kevin ay proud na proud pa sya.

"Good. Siguro." nagtaka ako.

"Bakit may siguro pa?" tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot bagkus tumingin sya sa Daddy nya tapos sa babaeng nakaupo sa couch na ngayon ko lang napansin na nandito pala yung kabit ni Lorenzo.

Teka, nasabi na ba ni Lorenzo kay Kevin na kabit nya ang babaeng nakaupo sa couch at prenteng umiinom ng juice?

"Madaya sya." nagtaka ako sa sagot ni Kevin. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nya. Natawa ng mahina si Lorenzo sa tabi namin.

"Naglalaro sila ng chess ni Acey at sa unang pagkakataon ay natalo si Kevin." sabi ni Lorenzo at ginulo nya ang buhok ni Kevin.

"Hindi ako natalo. Madaya sya." may himig na pagtatampo sa boses ni Kevin. Ang cute ni Kevin kapag ganito sya na nagtatampo.

"No sweetie, talo ka talaga." sabi ni Acey. Ayun ang pagkarinig ko kay Lorenzo.

"Tama na yan. Maru, tara na sa taas magbihis ka na." sabi ni Lorenzo at hinawakan ako sa kamay.

Umakyat kami sa kwarto namin ni Lorenzo pero nung maalala ko na wala na pala rito ang mga gamit ko ay tumigil ako sa paglalakad.

"Yung mga gamit ko ay nasa kwarto na ni Kevin." sabi ko sa kanya.

"Ibinalik ko sa kwarto natin. Ayokong magtaka si Kevin kung bakit bigla kang umalis sa kwarto natin." hinila nya ulit ako papasok ng kwarto namin.

"Hindi ba gusto mong malaman ni Kevin na 'yang babae mo ay rito na titira?" napairap ako na sabihin 'yon. Seryoso pa sya nung sinabi nyang sasabihin nya kay Kevin ang lahat tapos ngayon bigla syang umuurong?

KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon