[Valentine's] Behind Curtains

55.2K 978 905
                                    


A FEW boxes of chocolates and a bouquet of roses placed on the table made Lorelei stop in her tracks as she entered the empty clubroom. If Freya didn't rub her body against Lorelei's leg, Lorelei's mind would still be processing what date it is today and what particular event is happening at the moment.

Sinong nagdala ng mga 'yon at para kanino? Mukhang masyado namang napaaga ang Valentine's Day, she thought as she saw in the clubroom's calendar that today's February 3.

"Meow," Freya purred. Nang marinig ni Lori 'yon, umupo siya at hinimas-himas ang ulo ni Freya bago ito kinarga.

"Nakita mo ba ang iba, Freya? Napadaan ba sila dito?" Malambing na pagkakatanong niya. Freya answered "meow" that meant "no".

"Weird," Lorelei wondered as she puts Freya on the floor. Alam niyang sa mga oras na ito, Loki would be supposedly on his usual seat, nakapatong ang mga siko sa armrest ng upuan at ipinagdidikit ang mga daliri habang may iniisip. Jamie would, well, stick to Loki as always. Baka nga aayain na naman niya itong maglaro ng mga board games, especially chess. And Alistair would just take a seat and watch.

But today, they're not around.

Napakibit-balikat na lang siya. Baka may dinaanan pa sila. Maybe it's not bad to be late every once in a while.

Lumapit na lang si Lorelei sa table dala ng kuryosidad at isa-isang chineck ang mga boxes na may iba't ibang kulay at sukat. Her lips formed into an O when she noticed that those chocolates are all branded. Nakita niyang may isang piraso ng pink sticky note na nakadikit sa isa sa mga boxes at nakasulat dito ang isang "FOR LOKI DEAR."

At that moment, she immediately knew where those gifts came from. Jamie, no doubt. Sulat-kamay pa lang, halata na.

Hindi na niya ito masiyadong binigyang pansin dahil sa tuwing naaalala niya si Jamie, all suspicions she had of her pops in her mind, at ayaw niya munang pag-isipan ang mga 'yon dahil mababaliw lang siya. Ibinaling na lang niya ang kaniyang atensyon kay Freya na kasalukuyang inaamoy-amoy ang nasa loob ng mga kahon.

Sa ginagawa ng pusa, biglang naalala ni Lori ang reaksyon nito sa tuwing nakikita nito si Jamie at ang iba pang mga taong masyadong kaduda-duda. From a cute, fluffy, and seemingly harmless feline, it would transform into a small wild beast, ready to attack their prey.

Freya's no ordinary cat, Lorelei knows.

Now that she thought of it, Freya can sense that Jamie has something up in her sleeves. What could it be?

Umupo na lang siya sa isang monobloc chair at kinuha ang kaniyang cellphone para aliwin ang sarili habang wala pa sila. 12:30 P.M. pa lang naman. Hindi pa end of the world kahit hindi sila dumating.

Kung anu-anong sites na ang napuntahan niya dala ng pagka-bored at ilang articles na ang mga nabasa niya. What caught her attention the most is the case of Elisa Lam – the girl who mysteriously disappeared and was found in a water tank in a hotel after a month, already dead.

Her brows furrowed as she continued reading. Masyado siyang na-hook sa binabasa na hindi niya namalayang may pumasok na pala sa clubroom.

"Reading case files?"

Hearing that deep voice startled Lorelei a bit.

"Oh, Loki, nandito ka na pala," she said after heaving a sigh. Akala na niya kasi kung sino na.

Project LOKI: FanficsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon