19

918 46 3
                                    

řơҳąŋŋɛ:

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at una kong nakita is yung puting ceiling.

Nasaan ba ako?

Uupo ako sana kaso hindi ko masyadong magalaw ang katawan ko, ang sakit ng katawan ko.

Ano ba nangyari kanina? Basta ang alam ko huhugasan ko dapat yung kamay ko na may sugat kaso- ah.. na aalala ko na. Bwiset na mga impakta yun.

"Roxanne?"

Alam ko yung boses na yun and hindi  boses nila Xia yun, sa kumag yun. Anong ginagawa niya dito?

"Shit, sumagot ka naman pag kinakausap kita! Akala ko kung ano nang nangyari sayo!" Sabi nito sabay dahan-dahan akong inalalayan umupo. "Okay ka na ba? May masakit parin ba?" And many more questions asking kung okay lang ba daw ako.

Medyo natawa naman ako sa inaasta niya, "okay lang ako. Chill ka nga muna dyan kumag ka."

"Sabing wag mo na ako tawaging kumag eh!"

"Eh sabing gusto ko eh!"

"Hay nako ang babaeng to talaga."

Nginitian ko siya bago nag tanong, "hoy kumag, asaan ako?"

"Asa clinic ka ng school. Dinala kita dito nung nakita kitang walang malay sa sahig ng cr. Nataranta kaya ako." Pag e-explain nito.

"Ah.. so ikaw pala nag dala sa akin dito, thanks...pero kumag, anong ginagawa mo sa cr ng mga babae?"

"H-hah? W-wala a-no.. Shit." Nauutal at namumula niyang sabi.

"Anyare sayo?" *blink* "shet kumag nang boboso ka ba kaya ka nandun?!" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"Hindi! Hindi ako ganun! How judgmental of you." Sabi niyo sabay humalokip-kip.

Tss... ang arte naman nito.

"Oh eh, ano nga, bat nandun ka nga? Prove yourself not guilty." Sabi ko sabay cross arms.

"Nakakahiya!" Sabi niya sabat takip ng mukha niya.

"Huy umayos ka nga! Para kang babae eh! At anong nakakahiya? Siguro nang boboso ka nga no? Umamin ka na kasi mag sini-silip ka eh!" Panunukso ko.

Binaba niya ang mga kamay niya at sinamaan ako ng tingin. "Hindi nga kasi eh!" Pag tatanggol niya sa sarili niya.

"Kaya nga ikwento mo na!" Pasigaw ko na sabi.

Buti nalang wala kami sa library, kung hindi napalayas na kami nitong kumag na to, buti din na hindi strict at masungit yung school doctor or nurse malay ko ba.

Huminga siya ng malalim bago nag salita, "nag kaklase na kasi nun, eh hindi ka parin bumabalik, medyo hindi na ako mapakali sa upuan ko kaya lumabas nalang ako para hanapin ka."

Ay bad, nag-iinit nanaman mukha ko dahil sa kumag na to.

Ayiee!!! Hinanap ka nung kumag mo! May gash! Kenekeleg akech!

Shut up!!! At anong kumag ko? Naku manahimik ka na ngalang!

Ehh..! Kita mong nag-alala siya para sayo tapos hinanap ka pa! My gash!!

Hindi ko nalang pinansin yung boses sa ulo ko na lagi kong kinu-kontra at pinakinggan nalang yung kumag.

"Tas nang napadaan ako sa restroom na kung saan kita nakita, bigla nalang ako na kutuban na nandun ka, at nandun ka nga." Pag tatapos niya, pero yung mukha niya kanina na hiyang-hiya naging seryoso at punong-puno nang pag-aalala.

"Roxanne..."pag-uumpisa niya sabay kuha ng kamay ko, cue the blush, "sino gumawa nito sayo?" Mahinahon niyang sabi.

"Sila Amy at yung impakta niyang kapatid, Melissa ata pangalan non. Kaklase ba natin siya? Hindi ko siya masyadong maalala eh."

BiteWhere stories live. Discover now