C13: Freya

316K 6.6K 1.7K
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

----


Vince's POV


Kanina ko pa siya tinitignan habang siya'y nahihimbing. Isang tingin mo lang sa kanya ay halatang sobra siyang pinahirapan ng kung sino mang demonyo ang gumawa sa kanya nito. Napilay ang dalawa niyang paa... may ilang tahi rin siya sa katawan dulot ng malalalim na saksak at mayroon ding siyang sugat sa leeg dahi sa mahigpit na pagkakatali sa kanya ng lubid.

Parang hindi ko na kayang makita siyang ganito. Pinahid ko ang mga luha na palabas sa mata ko... hinawakan ko ang kaliwang kamay ni Maeri at hinalikan ito. Napakatatag niya. Hanggang ngayon, lumalaban pa rin siya. Hanggang sa hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang marahan kong hinahaplos ang kamay niya at unti unting dinidikit sa pisngi ko. Hindi ko mapaliwanag ang lungkot na nadarama ko. Ang babaeng pinapangarap ko... ang pinapahalagahan ko... hindi niya dapat naranasan ang mga ito..

"Mabuti na lang at hindi natamaan ang mga vital organs ng katawan niya... kundi baka wala na siya ngayon." Naalala ko ang sinabi ng doktor.

Hindi pa nakukuwento ni Maeri ang mga nanyari sa kanya at ayaw ko ring marinig ang mga iyon. Hahanapin ko ang taong may responsable sa nanyari. 

"V-Vince." Narinig ko ang mahina niyang pagtawag sa pangalan ko.

"Magpahinga ka lang Maeri. Nandito lang ako." Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang naramdaman ko ang panginginig nito. 

"Salamat Vince. M-maraming salamat." Kitang-kita na napakahina niya ngayon ngunit nagawa pa niyang ngumiti. "Sa lahat ng t-taong nakakasama ko. Ikaw lang ang nanatili sa tabi ko. Ikaw lang ang naging totoo sa akin at sorry din sa lahat." May mga luhang tumulo mula sa mga mata niya, agad ko namang pinunasan ito gamit ng kamay ko. "Sorry. Sorry talaga." Paulit-ulit niyang sinabi.

Muli kong naramdaman ang maaring pagpatak ng mga luha ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya at inilagay ang mga kamay ko sa ibabaw ng mga mata niya. Unti-unti kong ipinikit ang mga mata niya.

"A-Ayaw kong makita mo akong ganito." Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko ngunit hindi ko talaga kaya lalo na't kahit anong sabihin at iyak ang gawin ko, walang magbabago. "Magpahinga ka na Maeri."

Ilang oras na ang nakalipas at nakatulog muli siya. Narinig ko nag-ring ang phone ko, kinuha ko ito sa may lamesa at tumayo para lumabas.

"Akira." Ang sabi ko habang kausap ko siya sa phone.

Nakuha ang atensyon ko ng isang lalaking dumaan sa harapan ko. Naka-jacket siya na itim at ang hood niya ay nakatakip sa mukha niya. May kakaiba siyang aura na binibigay na para bang kailangan kong mag-ingat..

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon