Chapter 11 : The Unexpected Help

271K 12.5K 1.3K
                                    

{Hurricane's POV}

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nakakapagtaka, bakit puti ang kisame eh yellow naman ang paint sa room ko?

"Ms. Hurricane, how are you feeling?" Bigla na lamang sumulpot ang isang babaeng nakaputi. Medyo malabo pa ang paningin ko kaya paulit-ulit ko nalang na kinurap ang mga mata ko.

"Mr. Kang gising na ang girlfriend mo"

Pakiramdam koy makakapatay ako ng daan-daang tao nang marinig ko ang sinabi ng nurse. And just like a flashback in those movies, bumalik sa akin ang nangyari...

Binabalanse ko ang sarili ko sa payat na sanga ng puno nang bigla ko na lamang narinig ang nakakakilabot at nakakapanindig balahibong anunsyo ng engot na si Melchoro.

"Hurricane Shane Velez simula ngayon girlfriend na kita."

Sa sobrang gulat ko'y nawalan ako ng balanse sa sarili ko kaya nalaglag ako.


Naging malinaw sa akin ang lahat, nasa clinic ako at inaasikaso ako ng nurse ngayon. Shit! Ang sakit parin ng katawan ko lalong-lalo na ng paa ko! Humanda ka talaga sakin Melchoro!

"Buti nalang nagising ka na, Ano na?" Nakita ko ang hayop na si Melchoro. Nakaupo siya sa sofa, hindi kalayuan sa kamang kinahihigaan ko. Maya-maya pa ay tumayo siya at lumapit sa akin.

Hindi ko na napigilan pa ang galit ko kaya agad ko siyang sinugod para sampalin kaso nang maiapak ko ang paa ko ay bigla na lamang akong nakaramdam ng napakatinding sakit. Muli akong nawalan ng balanse sa katawan kayat napaupo na lamang ako ulit sa kama.

"Ang sakit ng paa ko!" Napaiyak na lamang ako. Natatakot ako, malulumpo na ba ako?

Sinubukang hawakan ng nurse ang paa ko ngunit napasigaw nalang ulit ako. Ang sakit talaga! Ayoko ng ganito! 

"Ayos ka lang?" Tanong ni Melchoro kaya agad ko siyang pinanlisikan ng mga mata.

"Anong maayos?! Kasalanan mo to!"

- - - - - - -

"Ms. Hurricane next time wag kang gagawa ng mga bagay na delikado gaya ng pag-akyat sa puno," Napa-buntong hininga ang doktor at agad na tumayo matapos niyang maikabit ang cast sa left leg ko. "You'll have to wear this cast for two months." Dagdag pa ng doktor.

"Two months?!! So ano? hindi ako makakapaglakad for two months?!" Tumango ang doktor. It felt as if I was sentenced with a crime that I didnt even commit.  Paano ako mabubuhay ng dalawang buwan kung di man lang ako makapaglakad ng maayos?!

"Ms. Hurricane we need your parent's number para masundo ka nila" When the nurse said that ay agad na akong napailing-iling. Its bad enough na nabalian ako ng buto sa paa, but its worse kung malalaman pa ito ng mommy ko.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon