Chapter 60

199K 2.2K 88
                                    

CHAPTER 60

"Kiss me." I said.

Inilayo nya ang mukha nya sa mukha ko upang pagmasdan kung nagsasabi ba ako ng totoo. I saw his eyes twinkled. Para bang nagbago talaga ang facial expression nya. He looked.. uhm, happy?

He was about to speak again when he heard gun shots.

1..

2..

3.. gunshots.

"DAPA!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. I saw big men with armalites. Pormadong pormado sila na para bang handa silang pumatay anytime.

"DAPA SABI!" Sigaw ng isang maskuladong lalaki.

Dahil sa takot at sobrang kaba, lahat kami ay napadapa.

"Shh.. relax." I heard Dylan whispered.

That was the only time when I realized na ang higpit pala ng pagkakahawak ko sa braso nya. Para akong linta kung makakapit sakanya. I could even feel my cold sweats run down my face.

I was so scared. So damn scared.

Lalo na nung nakita ko ang dalawang dambuhalang lalaki na papalapit sa direksyon ko.

Wala lang naman siguro yun diba? Maybe babantayan lang nila kami para hindi kami tumayo or something diba? Oo, tama. Yun lang yun.

But.. ahh shit!

One of them grabbed me in the arm. Lalong napahigpit ang kapit ko kay Dylan. I was even already shouting for help.

"Tumigil ka!" Sigaw ng isang lalaki hindi sakin kundi kay Dylan. That was when I saw him trying to push the big guy away from me. He was trying to throw punches at him but the other guy pushed him away at tinutukan pa ito ng baril na naging dahilan ng pagalarma ng mga tao sa paligid.

"Dylan!" I shouted in horror.

"Tumahimik kayo!" Nakakatakot na sigaw ng lalaking nakahawak sa braso ko. "Sasama ka sakin. At kayong lahat, wag kayong magkakamaling sumunod o gumawa ng katangahan dahil hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ang bungo ng babaeng to!" Natakot ako para sa sarili ko.

"At ikaw! Subukan mong manlaban, sisiguraduhin kong hindi na tataga ng sampung segundo ang buhay mo!" Baling sakin ng lalaking malaki ang katawan. Hindi ako halos nakakilos. Nalaman ko na lang na kinakaladkad na pala ako palabas ng venue. I'm gonna die. My kids! Shit.

"HOY! DALIAN MONG MAGLAKAD DYAN! LINTEK!" Nagulantang ako sa biglang pagsigaw ng lalaking nakahawak sa braso ko. Ramdam na ramdam ko ang takot sa sarili ko kaya naman halos hindi na ako nakagalaw nang sumigaw pa ito.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon