Chapter 30 ♬ Broken Song

58.7K 1K 41
                                    

CHAPTER 30 - BROKEN SONG

SERENE


Maaga akong nagising. Masyadong maaga para bumangon at pumasok sa school. Sa tuwing sinusubukan kong bumalik sa pagkakatulog ay hindi ko na magawa. Kaya tinatamad man, napag-isipan ko na lang na bumangon at magpalit para maagang pumasok. Napagdesisyunan ko na maglakad na lang dahil ayokong istorbohin si Manong Raul sa pagtulog niya. Maganda na rin ang ganito para makapag-exercise naman ako kahit pa paano, feeling ko kasi tumataba na ako.

Hindi pa sumisikat ang araw at medyo mahamog pa ng makalabas ako. Napatingin ako sa suot na relo at nakitang 6:30 pa lang pala ng umaga, masyado pang maaga para pumasok sa school na magbebell ng 8:30. Nagstretch-stretch muna ako ng katawan at saka sinimulan ang pag-jogging sa patutunguhan ko. Isang sakay lang naman ng jeep at mga ilang minutong paglakad ang gagawin ko. Ayos na ako roon.

Buti na lang at may P.E ngayon kaya suot ko ang jogging pants at maluwang na t-shirt namin. May dala akong bag kaso 'yung maliit lang kaya hindi ako nahihirapan sa pagtakbo. Iniiwan ko ang lahat ng gamit ko sa locker dahil ayaw kong nagdadala ng mga gamit sa bahay. Para saan pa? Hindi ko rin naman gagamitin. Hindi naman kasi ako gumagawa ng homeworks kaya walang problema sa akin.

Sariwang hangin ang bumalot sa akin habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Marami akong nakikitang nagjo-jogging na katulad ko pero hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing napapansin ko na halos lahat sila ay nauunahan ko ng 'di sinasadya. Jogging lang talaga ang intensyon ko pero hindi ko alam sa sarili ko na parang pabilis na ako ng pabilis na para lang tumatakbo sa isang karera.

Siguro nga na-miss ng aking mga paa ang pagtakbo ng ganito kabilis dahil sa totoo lang, ako ang pambato at laging inilalaban sa tuwing may track and field tournament sa dati naming school. Naalala ko pa na ang tawag sa akin ng mga schoolmates at classmates ko noon ay "The Flash" – dahil daw sa sobrang bilis kong tumakbo na parang walang pagod. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa tuwing naaalala ko ang mga araw na 'yun, masaya, tahimik at simpleng buhay. Kung maibabalik ko lang sana ang panahon.

Hindi ko maiwasang mapatingin agad sa paligid nang may bigla akong naramdaman. Pakiramdam ko may mga matang nakasunod sa akin ngayon. Hindi ko lang alam kung saan pero sigurado ako, meron. Pinagpatuloy ko ang pagtakbo at hindi na ito gaanong binigyan pa ng pansin. Kung hindi mo ako gagalawin hindi rin kita gagalawin, sa isip isip ko.

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo hindi dahil sa takot kundi dahil sa ayaw ko lang ng panibagong gulo. Tama na ang mga gulong napasok ko nitong mga huling araw dahil baka sa susunod hindi ko na talaga mapigilan ang sarili at tuluyan na ngang bumalik sa tunay na 'ako'. Nakakatawa mang isipin pero ayun ang pinakaayaw kong mangyari. Ang bumalik sa pagiging G-Clef at bumalik sa mundong pilit kong kinakalimutan.

May ilang beses na tumunog ang cellphone ko mula pa kanina. Napatitig na lang ako sa maraming missed calls at text messages sa cellphone ko, lahat galing kay *drum rolls*—

No other than Lady Magdaleine!

Ang saya-saya. Grabe. Hindi ko mapigilang maluha. Bagsak ang balikat kong bumuntong hininga ng napakalalim.

Paano niya nalaman ang number ko? Saan pa nga ba eh 'di sa ldaan-daan niyang private invetigators. Sa totoo lang nahihirapan na akong iwasan si lola pero sabi naman ni Nathan sa akin wapakels lang para magsawa rin na kontakin ako. Pero napapansin ko naman habang tumatagal lalong mas nagiging makulit at pursigidong kausapin at makahang-out ako. Iyan tuloy, hide and seek ang lagay namin ni lola ngayon.

Si Nathan naman kasi, mas lalo tuloy akong naiipit sa gulo na siya mismo ang may gawa. Sabi naman daw niya siya na ang bahala sa lola niya kaya kahit papaano nakakahinga ako ng maluwag. Well, sa ngayon.

Listen To My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon