Chapter 155

748K 29K 25.2K
                                    

Freindship

Keifer's POV

I'm Dead.

I'm so dead. Mom will get mad at me. Dad will SURELY get mad at me. And here i am facing my penalty.

What have I done?!

"Kainis! Kasalanan to ng isa dyan! Lakas ng loob mag-hanap ng away!" Parinig nung Percy sakin.

Paparinig pa. Pwede naman nya sabihin ng harapan sakin, halos magkalapit lang naman kami.

"Shut up! Kasalanan mo din to!" Sita sa kanya ni Aries.

I don't understand. Sa dami naming nagkakagulo kanina, kaming apat lang ang pinatawag sa guidance.

"Bakit ako?!" Inis na tanung ni Percy.

"Stupid! Kundi mo ko sinuntok at tinulak papunta kay Keifer hindi sana ako madadamay dito!"

Now i know!

Kaya pala bigla nalang sya'ng tumilapon sakin. Yung Percy pala yung may kasalanan.

"Sorry... Kala ko kasi ikaw yung classmate naming payat." Kamot batok na paliwanag nya kay Aries.

Napatingin ako kay Yuri. Kalmado sya'ng nakatingin sakin. Kung kanina naiinis ako sa kanya, ngayon nahihiya na ko.

"Bakit mo ba ginawa yun?" Tanung nya sakin.

"W-wala... Nainis lang ako sa muka mo. Tsaka ganti ko na rin sa huling away natin."

Taka nya kong tinignan. "Nag-away naba tayo?"

"O-oo naman!"

Sandali sya'ng nag-isip at pilit inalala yung sinabi ko. Anu sya? May amnesia? Hindi pa nagtatagal yung huling away namin.

"Hindi ko maalala." Sagot nya sakin. "...Pero kung totoo nga yun. I apologize."

Seriously?

Nag-s-sorry sya kahit hindi naman nya maalala yung nangyari. Pero bakit?

"Wag ka nga mag-sorry dyan!" Utos ni Percy sa kanya.

"Pero kasalanan ko naman talaga. Kundi hindi kami nag-away nung nakaraan baka hindi tayo nagkagulo ngayon." Tinignan nya ko ulit. "...Again, i'm sorry Keifer for what i have done."

Lalu akong nahiya sa sarili ko. Mali yata'ng inaway ko pa sya.

"S-sorry din. Hindi dapat ako gumawa ng eksena at nagsimula ng gulo." Sabi ko.

Ngumiti sakin si Yuri kaya naman ganun din ang ginawa ko.

"Sakin din mag-sorry ka!" Utos sakin nung Percy.

Nagsalubong ang kilay ko. "Why would i?"

"Nadamay kaya ako sa gulong ginawa mo!"

"Dinamay mo lang yung sarili mo! Si Keifer at Yuri lang talaga yung nag-away!" Sabi ni Aries.

Tinignan sya ng masama ni Percy pero bago pa man din sya makasagot, bumukas yung pinto ng guidance office at pumasok yung councilor kasama----what is he doing here?

"K-kuya..." Tawag ni Aries.

Tinignan nya kaming lahat. Aaminin ko, may kung anong kilabot ang bumalot sakin mula sa tingin na binigay nya.

"Mabuti at dumating ka. Hindi pa rin kasi sumasagot ang mga magulang nila." sabi nung councilor.

"Anu po bang nangyari?" tanung nung Kuya ni Aries.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon