MPML Book 2 (73)

2.9K 75 4
                                    

Andrea's Debut Party

All dressed up and ready to go. Inaantay ko nalang si Yuji dahil susunduin niya raw ako dito sa bahay pero 9pm pasado na wala parin siya. I kept texting him but I didn't get any replies. Kahit mga tawag ko busy ang phone niya. Nababagot na ako, pwede namang ako nalang pumunta mag-isa sa venue pero ayaw na ayaw niya akong paghawakin ng manibela, ni makalapit o makaupo sa driver's seat ayaw niya. Takot na takot siya sa mga possibleng mangyaring car accident kesyo buntis daw ako at lapitin ako ng disgrasya.

Hindi mo alam kung kikiligin ka o maiinsulto.

Maya maya may narinig na akong busina ng sasakyan sa labas kaya bumaba ako agad pero sasakyan ni Travis ang nakita ko. Kasama niya si Jess, sabay silang bumaba ng sasakyan at sinalubong ako.

"Wow." Jess exclaimed.

"Sha, you look maleficent. I would say magnificent but you look like maleficent so...you get the joke right?" Asual, mga jokes ni Travis.

"Oo na sige na hindi ko na pupunahin. Nasaan si Yuji at kayo ang nandito?" Tanong ko sakanila habang naglalakad na pasakay sa sasakyan.

"Busy, may mga finishing touches pa siya bago magstart yung party." Pinagbuksan ako ng pinto ni Jess.

"You'll love the venue, Sha. Sir. Yuji did a very good job as a party planner." Travis said while sitting on the driver's seat.

"Makikita natin yan pagdating natin. How about Andrea? Have you guys seen her? Halos buong araw ko syang hindi nakita dahil umaga palang umalis na ng bahay kesyo magsusukat daw sila ng mga kaibigan niya ng gown." I'm kind of excited to see her wearing a gown.

"Kahit si Ria hindi ko rin masyado nakita buong araw." Dagdag ni Travis.

"Magbestfriend yung dalawa, malamang magkasama sila." Jess said.

Siguro nga. Chill out, Karlota. Your daughter's fine, you'll see her any minute. Pinaandar ni Travis ang sasakyan papunta sa venue by 8:30 pm, kamalasan naabutan pa kami ng traffic.

"And we're late."

"Shut up, Jess."

"Sabi sayo dapat sa kabila tayo dumaan."

"Dito tayo dumaan kanina. Wala namang traffic kanina."

"E anong tawag mo dyan?" Turo pa ni Jess sa mga sasakyang nasa harapan namin.

Patuloy sa pagtatalo ang dalawa ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko at sinagot yun agad. I didn't bother to look at the screen kaya akala ko si Yuji.

"We're on our way, Yuj---"

"Charlotte? This is Vincent! Where are you? You're already 1 hour and half late for your book signing tonight!"

Medyo hinalungkot ko pa sa kailalim-laliman ng utak ko para alalahaning may book signing ba akong nakasched ngayon dahil tanging party ni Andrea ang nasa isip ko.

"Charlotte!"

"Y-yeah! Yeah! I'm here, look Vincent I'm sorry I totally forgot about the book signing. Debut ngayon ng anak ko at dun ako papunta ngayon" Nilayo ko na agad ang phone sa tenga ko dahil alam na alam ko ng magsisisigaw siya sa sinabi ko.

"We have talked about this for months! I even bought you a calendar to mark the date! This date! This is the second time you failed our sponsors, Charlotte! They're paying good money to us!"

See? Yelling.

"Vincent, calm down. And FYI ako nagbabayad sa kanila. Ako Vincent not them. Let them wait for all I care"

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon