Chapter 61

201K 1.9K 61
                                    

CHAPTER 61

MAXINE'S POV

"Oh, god! Theo, wake up!" Naluluha kong sabi habang niyuyugyog ko ang balikat nya. Nanatili syang walang malay habang patuloy na umaagos ang dugo mula sa balikat nito. Tama ito ng barili.

"Theo!" Naiinsi kong sigaw dahil hindi sya umiimik. Alam ko namang hindi nakamamatay ang tama ng baril sa kaliwang balikat dahil sa malayo ito sa organs but hell napakaraming dugo na ang nawala at maaring yun ang ikamatay nya.

"Theo, please. Don't scare me. Wake up!" Frustrated kong sabi habang pinapakinggang ang heart beat nito, I even gave him CPR pero wala pa rin. He stayed unconscious.

"Tabi!" Halos malaglag ang puso ko sa sahig sa sobrang pagkagulat ko sa pagsigaw ng lalaki sa likuran ko, hindi pa ito nakuntento kayta binuhat ako papalayo kay Theo.

"Let me go! Theo! Please!" Pagmamakaawa ko habang umiiyak ako.

"Nakakarindi ka talagang babae ka! Wag kang OA! Aayusin lang yang lalaki mo. Iuupo lang yan sya sa upuan para makatabi mo." Sabi ng isang lalaki na tila ba ay nasisiyahan pa sa nakikita nyang nangyayari.

What kind of people are they?

Hindi na ako sumagot, nanatili akong umiiyak hanggang sa bigla nya akong inupo sa tabi ni Theo. Automatic na napayakap ako kay Theo dahil sa sobrang takot ko.

"Oh, dalawa na lang kayo dito ni Boy, dun kami sa kabilang van. Kaya nyo naman yang dalawa na yan, diba?" Narinig kong sabi ng isang lalaki sa isa pa.

"Babae lang yan tsaka lalaking walang malay. Iniinsulto mo ba ko? Gago ka ba?" sagot naman ng isa, marahil sya yung tinawag nyang Boy.

Tumawa silang lahat ng malakas. "Osya, sige, maghanda na kayo at aalis na tayo."

Tapos ay lahat sila ay nagsipasok na sa isang van na kulay pula habang ang dalawa naman ay pumasok sa van na kinaroroonan namin. Isang driver at isang bantay. I thought of ways on how to escape them since dadalawa lang naman sila but I gave up. Sa kalagayan namin ni Theo ngayon, imposible ang makawala sa mga lalaking armado.

Nagsimula nang umandar ang van papaalis ng building. Isa pang nakakapagtaka at nakakapanlumo ay yung kanina pa kami dito sa parking lot ng building ngunit wala man lang nakaisip na maghanap samin matapos ang nangyari sa party kanina. Nalilito ako sa nangyayari.

Theo was bleeding real hard at hindi na biro ang nawawalang dugo sakanya. He is getting pale and his skin is already cold and clammy.

Not minding where the hoodlums are taking us, I grabbed the hem of my long gown and ripped a part of it. Tinalian ko ang sugat ni Theo upang kahit papaano ay mabawasan ang bleeding.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon