Wind and Destruction

2.8K 120 18
                                    

A/n: so kung mapapansin niyo may pic sa ibaba ng last ud ko. Actually pic po siya ni shana pero sa kupad ng internet ko hindi na upload. Sinubukan kong tanggalin pero bumabalik eh. Parang feelings ko sa kanya.

So anyway, here's another update. Pagpasensiyahan niyo yung mga typo ko at wrong grammars. Kapag nakahanap ako ng oras ieedit ko sila. So yun lang, enjoy reading guys.

Silent signing in.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Raph Pov

Kasalukuyan akong naglalakad sa Sofya city at wala paring pinagkaiba. Yun nga lang, mas maraming tao na ngayon rito. Sobrang busy ng mga tao rito. Maririnig mo nalang ang mga nagtitinda ng kung ano-ano diya na nagtatawag ng mga kustomer para bilhin ang kanilang produkto.

"Waahh! Sugoi!! Ang ganda ng tanawin!! Tsaka ang sarap ng pagkain nila rito! Ang daming mga weapons and armors!"

Takbo ng takbo si Shana na parang bata hahaha. Ang cute niya tignan.

"First time mo rito?" Tanong ko sa kanya.

"Mmm." Tumango siya bilang sagot. Napakamot nalang ako ng ulo ng maalalang nakapet mode siya noon tsaka lagi ko siyang tinatago.

"Shana tara na. Baka nandoon na sila."

"Mmm."

Ano na namang pakulo ni Zed ngayon?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Franchelle Pov

"Mom bilhin mo to! Ito pa! At ito pa! Teka kulang, ito pa! Gusto ko din ito!"

Napabuntong hininga nalang ako ng marinig ang hinaing ni Yuji. Siya yung dragon ko. And he's a boy. Gulat kayo no? Akala ko nga din babae siya but it turns out na lalaki siya.

"Yuji, tara na. Mamaya nalang yan ok? Makikipagkita pa tayo kina kuya."

"But Mom. I want these."

"Later Yuji. Tara na at baka kumpleto na sila."

Naglakad na kami papuntang townhall. Nadaanan namin ang park na kung saan ang daming tao doon. Ewan ko kung anong ginagawa nila.

Nang makalayo na kami ay may natanaw akong lalaki na kulay puti ang buhok at may espada na nakasukbit sa may bewang niya. Teka, si Raph ba to? Oo si Raph nga. Pero bakit naka pang begginner's armor lang siya? At sino yung babaeng kumakapit sa braso niya?!

╰_╯

Inilabas ko ang staff ko. Ang Eul's Staff of Divinity. Isang demonic na item na nakuha ko sa boss na iyon. May wind and dark element at may mataas na Int. Suits for mages and Wizards.

"By the power of wind, come forth. Lend me your power, crush them all! Whirlwind!" Biglang may nabuong isang whirlwind sa gitna ng town. Ayos lang dahil invulnerable lahat ng bagay sa loob ng town at hindi mababawasan ng hp ang mga matatamaan. Although mararamdaman parin nila yung sakit.

"Waaaa...."

"Shetttttt."

"Takbooooo!!!"

Samut-saring mga sigawan ang naririnig ko. Mwahahahaha.

*killing intent aura released.*

"M-mom. Y-you're s-scary."

Nginitian ko nalang si Yuji. Yung killer smile. Yung literal na papatay ng tao.

New Life Online: Battle Against The Darkness- Book I [Under Major Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon