Kananata 2

27.2K 994 36
                                    

Ano ba yun? Pangalawang putok na yun ngayon ah. Sinundan ko ang pinanggalingan ng tunog. May narinig akong mga nagsasalita na parang galit na galit. At dahil dakila ang pagka chismosa ko, lumapit pa ako at nagtago sa likod ng puno upang maki usyoso.

"What the f-ck pare?! Si Zec-" Natigil siya sandali at nahilamos ang kamay sa mukha. "Anong ginawa mo?!" Natatarantang sigaw ng isa.

"Hindi ko sinasadya! Inaagaw niya sakin ang baril. Anong gusto mong gawin ko? Hayaan siya?" Sagot naman ng isa. Baril? Napatakip ako sa bibig ko. Mas lalo akong kinabahan sa narinig ko.

"Baka patay na yan pare. Anong gagawin natin?" Sabi naman ng isa nilang kasamahan. My gracious. Mamamatay tao sila! Bigla akong kinilabutan sa mga naririnig ko. Ano ba tong napasok mo Kriseng?!

"Wala na tayong magagawa. Andiyan na yan." Wow at talagang narelax na siya kaagad?! Tingnan ko isa-isa ang mukha nila pero nakatalikod yung dalawa sakin at yung isa lang ang nakita ko.

"Anong gagawin natin sa katawan nito?" Syeteee. Naka-witness ako ng isang crime scene! Parang yung mga napapanood ko lang sa tv. Tapos bibigyan ng gantingpala ang witness at yayaman na kami!

Nawala ako sa pag-iisip kung ilan ang makukuha kong pera ng bigla kong narinig ang tahol ni Kokey papalapit. Sinesenyasan ko siya na wag maingay pero huli na malamang narinig na nila ang minamahal kong aso. Syeteng hindi otso! Baka barilin nila ang aso ko! Rest in peace Kokey.

"F-uck pare may tao anong gagawin natin?!" Narinig kong sigaw ng isa sa kanila na nakaharap sa akin. Tao daw? May tumatahol bang tao? Gusto kong batuhin ng hawak kong pala ang lalaki sa sobrang katangahan niya.

"Tara umalis na tayo. Iwan na natin yan. Baka may makakita pa sa atin kapag dinala natin yang bangkay. Hoy relax lang." Sa nung isang lalaki na sinasabing bumaril sa biktima.

Narinig ko silang tumakbo paalis. Lumabas na ako sa puno at nang masiguradong wala na sila. Sumilip ako at tinignan ang katawan ng lalaking nakahandusay sa lupa at hindi gumagalaw. My goodness ang hirap isipin na wala nang buhay ang lalaki na yun! Lalapitan ko ba?

Maya-maya hindi ko na napigilan ang curiosity ko. Mamaya na ko tatawag ng tanod titignan ko muna ang itsura ng lalaki. Nag sign of the cross muna ako bago lumapit sa katawan ng lalaki. Sumunod lang naman sa akin si Kokey na tumigil na sa kakatahol.

"Asong walang buntot naman oo!" Sigaw ko pagkakita ko sa itsura ng lalaki. Narinig ko namang tumahol si kokey. Lintek na aso.

Tinignan ko ang mukha niya. Syete pogi. Sayang ang lahi men. Sayang na sayang. Na-isip ko habang iniiling ang ulo ko. At bakit ba tinititigan ko lang to? Kung tumawah na kaya ako ng tanod? Tanod lang dahil walang pulis dito ng ganitong oras. Nasa kanilang baryo pa sila kaya mga tanod na lang ang bibigyan ko ng problema kung paano kokontak ng pulis.

"AAAAAAAAAHHH!" Napasigaw ako nang may maramdaman akong humawak sa paa ko at nagtatalon. Sinipa ko ang lalaki na humawak sa paa ko. Rise from the dead ang peg? Zombie? Aswang?

"Lord namaaan. Hindi na din po ako tatamarin sa paglakad ng 5 mins. para makapunta sa simbahan tuwing linggo. Hindi ko na po papagayahin sa test ang mga seatmate ko." Pagdasal ko ng taimtim dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang kamay sa binti ko.

"Tu..long." Narinig kong sabi ng lalaki. Ano daw? Tu..long? Tulong? TULONG?! Ibig sabihin..

"Buhay ka pa?" Tanong ko sa lalaki pero hindi siya sumagot at narinig ko lang siyang umungol ng mahina. "Buhay pa naman pala to eh."

Dumapa ako at hinawakan ang pulsuhan niya sa leeg. Buhay pa nga ang taong to. Kinuha ko ang kariton na dala ko at isinakay siya doon. Ang tangkad niya kaya hindi siya masiyadong nagkasya at mabigat pa kaya nahirapan akong buhatin at itulak ang kariton. Kung may injury siya malamang ang pag buhay ko ang ikakamatay niya.

"Lola Puriiiiing! Lola! Lola Puring!" Sigaw ko ng malapit na ako sa bahay. Mabuti nalang at malayo ang bahay namin sa ibang mga bahay. Medyo malawak kasi ang lupa namin.

"Diyos ko pong bata ka. Kung makasigaw parang hindi ka babae.." Narinig kong sermon ni lola habang palabas ng pinto. Natigilan siya ng makita ang laman ng kariton. Nanlaki ang mata niya at napatakip siya ng bibig. "Krisandra! Dyosporsanto anong ginawa mo sa nilalang na yan?! Nakapatay ka ba? Anong nagawa kong mali at nagkaganyan ka? Kaylangan mong sumuko sa mga pul--"

"Lola hin--" Hindi pa ako tapos magsalita ng biglang akong may narinig na sumusigaw.

"Ate ate ate! Sinong napatay mo? killer ka b--" Hindi ko na pinatapos si Kiko na parang tuwang-tuwa pa na nakapatay ako, kahit hindi naman talaga ako.

"Heh! Tumigil ka nga diyan Kik--" Biglang tumahol si Kokey. "Kapag hindi ako nakatapos magsalita dito kokey lilitsunin kita!!" Pagbabanta ko.

"Good doggy." Sabi ko at hinaplos ang ulo ni Kokey nang matigil sa pagtahol. Humarap na ako kay lola at Kiko. "Pwede po ba gamutin muna natin itong lalaking to kasi baka sa kakadrama niyo maubusan ng dugo at matuluyan na to."

Tinulungan ako nila lola at kiko na mailipat sa higaan at magamot ang lalaki. Mabuti nalang talaga at nursing student ako kaya marunong ako ng first aid. Hindi din naman ganon ka lala ang tama niya parang daplis lang. Mga bobo talaga yun killer nito. Babaril nalang sablay pa.


Kumunot ang noo ko nang mapansin na naumpog siguro ang lalaki sa malaking bato dahil napansin ko na may sugat at dumudugo ang sa may bandang likod ng ulo niya.

"Kriseng, ano ba talaga ang nangyari? Saan mo nakita si gwaping?" Tanong ni lola nang matapos naming gamutin ang lalaki.

Nasa kusina kami at umiinom ng kape. 10 pm na din. Medyo marami kasi ang sugat nung lalaki, mabuti nalang at hindi malala maliban sa tama ng baril.

"Lola hindi ko po talaga alam ang nagyari sa kanya. May nakita lang akong tatlong lalaki, tarantang-taranta pa nga sila dahil inakala nilang patay na si gwaping eh. Hindi ko na po nakita ang mukha nila dahil madilim na." Muli kong naalala ang nangyari at parang tumayo ang balahibo ko sa takot

"O siya sige magpahinga ka na. Alam kong hindi madali ang mga nasaksihan mo." Tumango lang ako kay lola at pumunta na sa kwarto ko.

Sa kwarto ni Kiko dinala si gwaping. Nung una ayaw ni Kiko, may rights daw siya na ipaglaban ang sa kanya. Sabi ni lola kapag hindi pumayag si kiko hindi niya bibigyan ng limang piso pambili ng Hi-Ho. Kaya ayun napilitan siyang ipagamit ang kwarto kay gwaping. Hindi namin alam pangalan kaya yan ang tawag namin, si lola ang tumawag sa kanya niyan—ang landi lang ni lola. Sinakyan nalang namin total gwapo naman talaga siya.

Dalawang linggo na simula nung makita ko sa Zec. Nalaman ko ang pangalan niya dahil naalala ko na tinawag siyang Zec nung gabing nabaril siya ng isa sa mga lalaking nagtangka sa kanya. Pinuntahan ko agad ang kwarto kung saan natutulog si gwaping. Araw-araw ko tong ginagawa. Nililinisan ko ang mga sugat niya at tinitignan ang mga vital signs niya. So far okay naman.

Napatingin ako sa mukha ng lalaki. Pagaling na ang mga pasa at sugat sa mukha niya. Mahaba ang pilik-mata niya at matangos ang ilong. May sugat sa gilid ng labi niya. May cut din siya sa right side ng noo. Pero syete lang. Ang gwapo gwapo parin niyang tingnan.

"Aww, my head hurts like hell." Nagulat ako ng biglang nagsalita ang lalaki habang nakapikit. Hindi ako agad nakakibo ng dahil sa gulat. Ilang sandali pa ay binuklat na niya ang mata niya at nasilaw pa siya sa liwanag. Nanatili akong nakatunganga sa lalaki hanggang sa tuluyan na niyang mabuksan ang mga mata niya.

Tumingin siya sa paligid hanggang sa madako ang tingin niya sa akin.

"Who the hell are you?"

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon