CHP31: Realization

1.4K 60 14
                                    

"Pero asawa mo rin ako Dasuri, baka nakakalimutan mo." - KAI

Dedicated to uela014
--
/KAI/

"Sa'ang lupalop ng earth ka ba nagpalipas ng gabi at hindi kita makontak? Sabi mo sa bahay nyo lang ikaw matutulog. Bakit 'nung pinuntahan ka namin 'don ni Sehun. Parang tanga lang kaming nagaantay sa tapat ng gate nyo. Ano? Magsalita kang bata ka!" Bungad sa'kin ni Jin noona pagpasok ko pa lang ng dorm. Nasa sofa sya nakaupo at halatang hinihintay ang pagbabalik ko.

I just shrugged my shoulders, "Nothing to worry, nakabalik naman ako dito ng buhay ah? Okay na 'yon." Nginitian ko pa ito habang hinuhubad 'yung jacket na suot-suot ko.

"Ay, wait. May sakit ka ba?" Hinipo pa nito ang noo ko. Nginitian ko lang sya.

"Bakit parang nakangiti ka ata ngayon? May milagro bang nangyari? Don't tell me, nagkaayos na kayo ni Dasuri?!" Gulat na gulat ang reaksyon ng mukha ni noona habang sinasabi iyon. Bahagya naman akong natawa.

"Hindi pa, but i'm sure malapit nila." Nginitian ko pa sya bago pumasok sa loob ng kwarto namin ni D.O hyung. Balak kong maligo na para makapunta na ko sa unang klase ko ngayong araw.

Hindi kagaya dati, mas excited akong pumasok ngayon sa trabaho. Para na ngang nasasanay na ko sa pagiging professor. Halos hindi na nga ko umaarte sa tuwing nagtuturo ako. Nakakatuwa lang isipin.

"Good morning Sir. Kim!"

"Good morning sir! Lala po kayong gumagwapo araw-araw ah?! Ahihi."

"Hi! Sir! Kitakits po sa klase mamaya."

Walang tigil ang pagbati sa'kin ng mga estudyante pagkapasok ko pa lang ng eskwelahan. Tanging pag ngiti naman ang isinasagot ko sa kanila. Ilang hakbang na lang ang layo ko sa room na papasukan ko nang mahagip ng aking mga mata ang nakatayong si Dasuri.

Pinagmasdan ko ang kabuuan nya. May dala-dala itong supot na puno ng waffle ice cream. Kumunot ang noo ko, aga-aga yan agad ang kinakain nya? Hindi kaya malamigan ang tyan nyan?

 Kumunot ang noo ko, aga-aga yan agad ang kinakain nya? Hindi kaya malamigan ang tyan nyan?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon