PAYMENT 3

4.4K 81 3
                                    

"Mindy! Pinsan kong mahaba ang hair! Gising na!" Naramdaman ko pa ang matindi nitong pag-alog saakin. Tinabig ko ang kamay niya at nagtalukbong ng kumot.

"Huy! Mamamasyal pa tayo!"

Napipilitan akong bumangon sa kama. Pagtingin ko sakanilang lahat ay nakaayos na sila.

"Tara na Mindy! Wag ka na mag-ayos! Masyado ka ng maganda," sabi ni Kate at hinatak ang kamay ko.

"Teka lang Kate. Maliligo lang ako saglit," hinatak ko pabalik ang kamay ko. Parang inaantok pa ko.

"Ang daya naman nitong si Mindy! Kagigising lang, ang ganda na agad pero pag-ako mukhang sabog. Asan ang hustisya?" Madamdaming sabi ni Apple.

"Ganun talaga! Magkamukha kaya kami ni pinsan ko!" Biglang akbay sakin ni Kate. Umaktong nandidiri ang mukha ni Pia.

"Pagnarinig ka ni kuya babarahin ka nun," natatawang saad ni Pia. Umirap lang dito si Kate.

"Magsama kayo ng kuya mong pangit!"

Iniwan ko sila dun na nagbabangayan para maligo na. Saan kaya kami pupunta?

Paglabas ko ng banyo ay wala na sila. Nagkibit balikat na lang ako at sinuklay ang hanggang bewang kong buhok. Nakasuot ako ng kulay puting flowing dress at kulay itim na tsinelas.

Narinig ko agad ang ingay ng makarating ako sa kusina. Masaya silang nagkukwentuhan sa hapag.

"Nandito na pala ang maganda kong pinsan! Pagkakataon mo na Chino!" Mapangasar na sabi ni Kate.

"Porma na tol!" Sabi naman ni Trent.

Umupo na lang ako sa tabi ni Kaine at tinignan ang nasa lamesa na akala ko'y pagkain pero card games pala.

"Akala ko pagkain," tila dismayadong sabi ko. Nagugutom na kasi ako.

"Let's go," sabi ni Gray sabay tayo.

Umangal ang iba sakanya pero nagsitayuan na din.

"Hindi talaga tayo kakain?" Mahinang bulong ni Elsa.

"Mindy," lumingon ako kay Kaine na may inaabot saaking mamon. "Yan muna kainin mo."

Kinuha ko iyon at nagpasalamat. Pagkarating namin sa yacht na sasakyan namin ay namangha kami sa nakaset up na lamesa at sa nakahandang pagkain.

"Ayun! May pakain si fafa Gray!" May pahampas pa sa dibdib ni Gray si Rico. "Ang broad naman ng chest mo fafa Gray."

Tawang-tawa sila habang nakatingin sa nakabusangot na si Gray.

"You, don't eat," sabi ni Gray. Suminghal si Rico at nauna na sa lamesa.

"Patay gutom," rinig kong bulong ni Kate.

Pumunta na kami sa hapag at masayang kumain ng almusal. Sarap na sarap ako sa pancake na may syrup.

"Ito pa Mindy," nagulat ako sa biglang paglagay ni Chino ng pancake sa plato ko.

Napuno ng tukso ang aming lamesa sa ginawa ni Chino. Nagpasalamat na lamang ako sakanya na sobrang pula ng pisngi.

"Ayun oh! Dumadamoves si fafa Chino," mapangasar na sabi ni Trent.

Her DebtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon