33

54 4 1
                                    

Sorry for slow update guys. Sorryyyy. Since late ang update nito, imagine nalang na April parin ang month here. Salamat sa mga patuloy pa ding nagbabasa! Saranghae from the bottom of my heart and hypothalamus. <3

---

CATARINA.

"Darling, you're sure that you're alright, okay?" Tanong ni Dad habang naka-alalay sa kanang braso ko.

"Oo nga. Wala ka nang nararamdaman ha?" Tanong naman ni Papa habang naka-alalay sa kaliwang braso ko.

"Dad, Papa. Okay na po ako. Hindi naman po ako na-operahan o kaya ay kagagaling lang sa comatose." Natawa ako sa ina-asta nila. Nakakapit pa kasi silang dalawa sa magkabila kong braso habang ang mga mukha ay alalang-alala. Mama, nakikita mo ba kami? Thank you po sa dalawang lalaki na ito sa buhay ko. Nawala ka pero may dumating pa na isa.

"Aki, okay ka lang ba?" Lumingon ako sa likod at nakitang nakangiti naman si Aki. Bitbit niya yung dalawang bag na may lamang mga gamit ko na ginamit sa ospital. Hindi naman ako dapat tatagal dun ng isang linggo kundi dahil kay Dad at Papa eh. Jusmiyo, konting sugat at galos lang ang tinamo at medyo masakit ang balakang pero grabe. Kinonfine pa talaga ako doon. Isa pa 'tong si Aki. Ang dami niya tuloy bitbit.

"Don't mind me. I'm fine." He flashed a genuine smile kaya kinilig ako. Anubayan. Kinikilig ako sa mga simple gestures niya.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Pinagluto ni Dad ang maids ng makakain at saka kami nag lunch. Bukas ay sabay kaming pupunta ni Aki sa ilang universities para mag-exam. Alam ko namang papasa si Aki kaya kampante na siya pero ako? Huhu, kailangan kong mag-review.

"Sweetie." Nasa sofa kami ngayon nila Papa at Dad at Aki. Magkatabi kami ni Aki habang sina Dad at Papa ay nasa gilid na sofa. Napatingin silang dalawa at napailing-iling nang marinig ang tawag sa akin ni Aki.

"Hmm?" Humawak siya sa kamay ko at sinabing, "Huwag muna kaya tayong mag test bukas sa mga universities? You know, I'm still worried. I guess we should review first. What do you think?" Nangungumbinsi niyang tanong. Sandali akong nag-isip. Well, may point naman talaga siya. Wala pa akong nare-review kahit katiting dahil ayaw nila akong pakilusin sa ospital. Hindi rin ako nakanood ng KDrama T_T

"Tayong dalawa lang?"

"If you want, Missy Shay can join too." Ngumiti siya kaya napangiti din ako.

"Sige!" Tumatango-tango pa ako at malawak ang ngiti. Agad kong kinuha ang phone ko at dinial ang number ni Shay.

"Hello, Cathy? I'm on my way dyan sa house niyo. May ginawa pa kasi ako kaya di ako nakapag-lunch dyan. Mianhae." Inimbitahan ko kasi siya, si Jules at si Nemo na dito mag-lunch pero lahat sila ay busy. Nakakatampo, huhu.

"Okay lang. Hehe. Sige pagdating mo nalang tsaka ko sasabihin."

"Okay! See you!" Pagkatapos nuon ay binaba ko na ang tawag.

Ano naman kayang pinagkaka-abalahan nila Jules at Nemo? Si Nemo ay business malamang. Si Jules kaya? Ah, baka tinutulungan si Aling Puring sa Bulaluhan.

Maya-maya lang ay pumasok na si Shay at may dalang paper bag.

"Hello po, Tito Ernie, Uncle Colton. Yow, Ryuzaki." Umupo siya sa left side ko at saka ibinigay ang paper bag.

"Salamat at magaling ka na. Ayan, para yan sa mabilis na recovery mo." Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Recovery? Ano ako, nabaldado? Nabalian ng buto? Ang OA niyo talaga." Sobrang lakas ko na nga eh. Yung tipong pag sinipa ko sa Shay mababali ang buto niya. Char! Syempre si Bong Soon lang ang may kaya non. Lmao.

The Playboy's DestinyWhere stories live. Discover now