Chapter 161

840K 32.8K 43.9K
                                    

Words

Jay-jay's POV

Feel kong manapak. Kung hindi lang talaga.... Haizt!

"Tsakit..." Bulong ni Ci-N habang hinihimas ang tenga nya.

Kasalanan naman nya! Nakikinig sya sakin at sa kausap ko sa phone. Sa sobrang inis ko, hinatak ko yung tenga nya. At kahit nakatulog na kami at lahat-lahat, iniinda pa rin nya yung sakit.

Pisti kasi!

"Kabila naman... Para pantay." Sabi ko at agad naman nya'ng tinakpan ang kabilang tenga nya.

"Ayaw." Sabi nya.

Inirapan ko nalang sya at naglakad na palabas ng kwarto. Kakain na kami ng almusal at may pasok pa. Sa totoo lang wala akong gana. Dahil sa nangyari kahapon.

Kapag naalala ko yung muka nung Dylan na nanutok sakin ng baril, nanginginig na naman yung tuhod ko.

Umurong yung tapang ko. Badtrip!

Bigla nalang ako'ng inunahan ni Ci-N sa paglalakad. Tinatakpan pa rin nya ang tenga nya. Mukang gutom na gutom ang loko.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko si Aries. Masama ang tingin sakin----na hindi na bago sakin.

Tinuloy ko yung paglalakad at lalagpasan na sana sya pero bigla sya'ng nagsalita dahilan para harapin ko sya ng tuluyan.

"Si Yuri."

Anu'ng...

"...Ikakasal ka na sa kanya."

Sampal sakin ang mga salita'ng yan. Ipinapa-alala yung panloloko'ng ginagawa ko kay Yuri.

Sumisikip ang dibdib ko. Para ako'ng sinasakal habang nakatingin sa kanya.

Tumawa ng mapait si Aries. "Ang ganda mo naman..."

Oo naman! Inggit ka?!

Insulto sakin ang tono ng pananalita nya. Agad na nagsalubong ang kilay ko.

"...Ikakasal ka na kay Yuri tapos may Keifer ka pa? Ibang klase." Umiiling pa sya habang naglalakad palayo sakin.

Bukod sa inis dito sa horoscope na to, isa lang ang nasa isip ko ngayon. Sasabihin ko na kay Yuri ang totoo. Ayoko na sya'ng lokohin. Hindi yun ang intensyon ko at ayoko ng dagdagan yung kasalanan ko sa kanya.

Nakapag-almusal ako na tulala. Kahit sa pag-ligo at pag-aayos wala rin ako sa sarili. Hindi ko alam kung panu pero hangat maari, ngayong araw ko na ipapaalam sa kanya.

"Jay-jay." Tawag sakin ni Ci-N habang naglalakad. "...Hindi ka nakikinig."

"S-sorry. May sinasabi kaba?"

"Ay wala..." Sarkastiko nya'ng sagot kaya medyo nainis ako. "...Dami kong sinabi. Naubos na kagwapuhan ko dito."

Napakamot ako ng batok. Anu daw?!

"Gwapo kaba?"

Bigla nalang pumungay ang mata nya. "Wag mo masyado pagsigawan. Sikreto ko yan eh."

Yung mapapa-tang'na ka nalang bigla dahil sa kakapalan ng muka nya. Hindi na ko nagsalita at nagtuloy na sa paglalakad.

Pagdating sa school, nagkakagulo ang mga istudyante dahil sa kagandahan ko----Joke!

Malapit na kasi yung retreat keneme ng school. Saksakan ng aga! Nauna pa sa Valentines.

Pagdating sa room hinanap ng mata ko si Yuri. Wala sya, ito yata ang unang beses na nauna ko sa kanya. Madalas kasi sya ang nauuna sa lahat.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon