CHAPTER 6- FIRST TALK

22 0 0
                                    


MJ

After the competition ay nag stay pa kami ng mga ilang oras para makapagsurf din ang mga boys. Magaling din naman sila. At kanina ko pa napapansin ang mga tingin ni Francis sa akin. Ano naman bang problema ng lalaking yun sa akin? Tsk bahala na nga sya. Binaling ko sa ibang direksyon ang aking paningin at nakita kong papalapit sila kuya Leo at ate Selena sa akin.

''Congrats pala sa inyu. You've nailed it! And because of that I'll treat all of you for tonight's dinner! EAT ALL YOU CAN!'' masayang sabi ni kuya na nagpa twinkle sa mga mata ko.

''REALLY?'' excited akong lumapit sa mga girls at binalita ang masayang balita. Lahat kami ay napasigaw. Eat all you can kasi! Napatingin naman ang mga boys sa amin.

''what's the commotion girls?'' singit ni Twinny

''Ililibre kami ni kuya Leo ng dinner at EAT ALL YOU CAN!''

''yun lang?'' kunot noong tanong nito at tumango kaming lahat. ''goodness akala ko kung ano na. Tsaka twin marami naman tayong pera a? ba't papalibre pa kayo?'' naguguluhan parin ito

''twin, mas masarap kasi ang pagkain pag libre diba girls?'' ako

''YEAH!'' at nag apir kaming lima. Napailing nalang ang kakambal ko

VENICE

We're now at the resto for our dinner together with kuya Leo, ate Selena and the boys. Busy kaming lumamon ng may nagsalita na sana di nalang.

''eat slowly girls di naman kayo tatakasan ng mga pagkain.'' Mc

''paki mo? Eh sa gutom kami. Wala kami panahon sa slowly slowly mo!''at inirapan ni Gabby si Mc. Napataas nalang ng dalawang kamay si Mc wari sumusuko. Tumawa nalang ang ibang kasama namin sa table.

''so bar later? Sa seaside bar. Mga ilang oras lang. I know pagod kayo mga girls so mga 1-2 hours lang tayo.'' Suggestion ni Keven

''sure!'' sagot ni Cel

''Cel bawal maglasing alright? And that goes for all of you girls'' paalala ni ate Selena sa amin

''yes mom'' sabay naming sagot at tumawa. Lumabi lang si ate

''wag nyong asarin mommy nyu baka di kayo payagan nyan'' pagsakay ni kuya Leo sa joke naming

''ayieeee mommy daw ate oh! Balak na ata kang anakan ni kuya!'' kantiyaw ni Cel sa kapatid

Namula naman si ate Selena. Don't tell me—

''OH MY GASH! Tataa? I mean totoo?'' exaggerated na tanong ni Cel

''2 weeks na.'' confirm!

''kailan mo sinagot si kuya?'' Cel ulit

''2 weeks ago'' kuya Leo sabay kiss sa pisngi ni ate

''goodness!'' Cel na may pa hawak hawak pa sa noo

''Congrats pinsan! You're the man! Alam na ba nila tita?''

''yep! Tumawag kami kanina. Kanina lang din namin nalaman na buntis si Selena. Masaya nga sila dahil may baby na daw sa pamilya.'' Balita ni kuya

''Congrats ate kuya!'' kaming mga girls at niyakap silang dalawa

HANNY

After naming kumain ay bumalik na sila kuya sa villa dahil magpapahinga na daw si ate so kami ay dumiretso na sa bar sa may seaside. Maraming tao pero okay lang kasi open area naman sya. Umupo kami sa mesang una naming nakita at omorder ang mga boys sa dumaan na waiter.

Tumingin tingin lang ako sa ako sa paligid ng may mahagip ang aking mga mata. Ano namang ginagawa ng mokong na to dito? Palinga-linga din ito at nang tumingin ito sa gawi ko ay nginitian ako. WTF! Hanggang dito ba naman? Can he get a life? Tapos na kami so what's the fuss? Argh! Bumaling nalang ako sa mga kaibigan ko ng mapatingin ako kay Mc. Nakatingin sya sa gilid ko then tumingin sa akin. I know nakita nya yung nakita ko kanina.

Siniko ako ni Ven. At binigyan ako ng kopita.

''he's here ha. Sinusundan ka?''

''dunno and I don't care.''

''okay''

After that ay nagyayang sumayaw si Cel kasama ang mga boys except sa hari. Si MJ naman ay nagpunta sa CR. Sumayaw sayaw lang ako. Sisundan ang bawat ritmo ng kanta ng may yumakap sa akin.

''Babe''

At first ay di ako gumalaw pero before I could push him ay may humila na sa akin. Akala ko kung sino si Mc pala.

''pre huwag ka ngang makilam sa min. Girlfriend ko yan!''

''correction EX-GIRLFRIEND!'' sabat ko

''babe—''

''Pwede ba tigilan mo na ako! Wala na tayo kaya please lang!'' nanggagalaiti kong sabi

''Ayaw ka ngang kausapin diba? Kaya umalis kana.'' Mahinahon na taboy ni Mc kay Michael. MAbuti nalang at nakinig sya at umalis. Pagkaalis ni Michael ay parang nawalang ng lakas ang mga tuhod ko mabuti nalang ay nasalo ako agad ni Mc at pinaupo sa may sun lounger di kalayuan sa bar.

''ba't ang kulit nya? Sawa na akong parating tinataboy sya. Di ba sya nagsasawa? Okay lang naman sa akin kung maging magkaibigan nalang kami pero ang makipagbalikan?'' naiiling kong saad

''nakamove on naka?''

''oo. Noong una masakit pero once matanggap mo na palang wala na talaga ay unti-unti mababawasan ang sakit at tuluyan ng mawawala.''

''bakit ayaw mong tanggapin ulit? Di kaba naniniwala sa second chance?''

''may mga taong hindi deserving bigyan kagaya nya. Ano ang silbi ng second chance kung alam mong may masasaktan once na tanggapin ko sya ulit? Mas kailangan sya nito kaysa sa akin. May responsibilidad syang kailangan panagutan. Ayaw kong dumating yung araw na sisihin niya ako kung bakit di buo ang pamilya nya. ''

''malaki na ba sya?''

''sa pagkakaalam ko ay kapapanganak niya lang 3 months ago''

''gago talaga. Ba't di niya panindigan?'' galit na ito. Kitang kita ang higpit na pagkaka kuyom ng kamay.

''mahal parin daw ako. Naawa ako sa bata at sa ina nito.''

''huwag kang mag alala hindi na makakalapit ang gagong yun pag nandito ako''sabay yakap sa akin. Na sinuklian ko rin mas mahigpit. Ito ang kailangan ko ngayon.

MJ

Nang makabalik ako sa mesa namin ay si Francis nalang mag-isa. Tumingin ako sa dance floor at nakita ko yung iba. Umupo lang ako at tinunga ang baso ko at sinalinan ulit. Pa tingin-tingin lang ako sa paligid ng magsalita siya.

''I didn't know you have those skills. I thought girls like you are like those spoiled brats who uses their family names to have something to brag.'' Sabi ni Francis habang nakatingin sa akin. Ako naman ay sa paligid.

''di ako pinalaking ganun ng mga magulang ko. Tinuruan nila kami kung paano mga responsible at hindi laging umaasa sa taong nakapaligid sa amin. At the age of 10 ay tinuturuan na kami nila mommy ng mga household chores. Kahit sila kuya hindi exempted. Hindi kasi porket mayaman daw kami ay iaasa nalang namin lahat sa katulong.''

''wow so you know how to cook?'' manghang tanong nito

''and baking''

''you're still 16 turning 17 yet you already know those things. Kahit si Morgan?''

''kaming magkakapatid and the girls. Isa sa girls bonding namin ang pagluluto. We're planning nga to put up a restaurant and bakeshop once na makahanap kami ng lot. Malaki laki na kasi ang ipon namin'' excited na talaga ako sa resto namin.

''woah! Ipon nyo talaga? Not your parents money? I'm impressed. Maybe I can help finding a good lot for your dream resto and bakeshop.''

''really?! OMG thankyou Oli— I mean Francis pala.'' Sorry excited lang tsaka gusto ko talaga syang tawagin sa second name nya pero baka ayaw nya.

''you can call me oli or oliver but in exchange I'll call you Megane'' sabi nito sabay inom sa hawak sa baso.

When A Guy falls In LoveWhere stories live. Discover now