CHAPTER ONE

2.8M 74.1K 99.5K
                                    




"ATE! ATE!" Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok at malakas na boses ni Zarnaih. "Ate, gumising ka! Dali! Naku, dalian mo talaga, ate!" Napaka-OA talaga ng kapatid kong 'to.

Inis akong bumangon at halos takbuhin ko ang naka-lock na pinto. "God! What's with the ear-shattering voice, Zarnaih?" nakapamaywang na singhal ko.

"Bumaba ka, dali! Ate! Nandiyan na ang mga hambog!"

"What?"

"Sina Maxpein," habol ang hiningang aniya habang nakaturo sa daan papunta sa hagdan. "Dumating na si Maxwell!"

Agad na nanlaki ang mga mata ko. "Oh, my god!"

"Oh, my god talaga, ate!"

"Oh, my god!" tumili ako.

"Oo, ate! Ayusin mo na ang sarili mo, dali! Ang pangit mo! 'Wag ka talagang bababa nang ganiyan ang hitsura mo, naku, ikahihiya kita!"

Hindi ko na siya pinansin pa. Halos magkandarapa ako sa pag-abot ng towel ko saka ako pumasok sa banyo. Walang kasinlakas ang kabog sa dibdib ko, parang binabayo. Nagmadali akong naligo at nagbihis. Talagang naglaan ako ng oras para ayusan ang sarili ko.

Ibinuhaghag ko ang maalon at itim na itim kong buhok saka inilagay ang karamihan niyon sa isang gilid ng mukha ko. Suot ang maong shorts na may pares na hanging light blue sleeveless top ay humarap ako sa salamin.

This is it!

Ang tagal kong naghintay sa pagbabalik ni Maxwell mula sa mahigit tatlong buwan na pagkawala niya. Walang araw na hindi ko siya inisip. At hindi ko akalaing darating siya ngayong hindi ko inaasahan.

"Maxpein!" bulalas ko sabay takbo palapit sa dito.

Matagal ko ring hindi nakita si Maxpein. Tatlong buwan na nanatili sa Korea ang pamilyang Moon para sa bautismo ni Maxspaun Thaddaeus Moon. Grabe ang efforts ng mga Moon para sa batang 'yon.

"Yaz," tumayo siya at yumakap sa akin. "Kumusta? You look good," aniya matapos akong pasadahan ng tingin.

Umikot ako sa harapan niya. "'Eto, lalong gumanda!" Natawa kaming dalawa. "Where's your baby?"

"Nasa kwarto ko. Hindi mabitiwan ni Sensui," nakangiwi niyang sagot. "Siya yata ang ina sa 'ming dalawa."

Hindi ko napigilang matawa. "You're really crazy."

"Dumaan lang talaga kami para kunin ang ilang gamit ko." Isinenyas niya ang isang bag na nakapatong sa mesa. May sariling bahay na sina Maxpein at Deib Lohr, doon na sila tumutuloy, syempre.

Sa bahay nina Lee at Zarnaih naman ako tumutuloy. Ayaw sana akong pakawalan ng pamilyang Moon nang ikasal ang kapatid ko. Ayos lang daw sa kanilang manatili ako ro'n habang nagtatrabaho sa BISH. Pero dahil sa hiya ay nagpumilit akong manatili kung nasaan ang kapatid ko.

Sandali kaming nagkumustahan ni Maxpein. Kinuwento niya ang naging bakasyon nila sa Korea. Hindi mahiwalay sa kaniya ang pandinig ko lalo na kapag si Maxwell na ang binabanggit niya. At gusto kong manghinayang dahil hindi mawala sa isip ko ang hitsura ni Maxwell nang nakasuot ng hanbok, gusto ko ulit makita. Nakakatuwa dahil mas mahaba sa inaasahan ko ang mga ikinuwento ni Maxpein. Samantalang nakakasama ko naman siya kompara sa mga kapatid niya. Pero kahit anong haba yata ng usapan namin ay hindi ko na maiaalis sa isip ko ang katotohanang nasa paligid lang si Maxwell.

Kaya naman hindi ko na pinahaba pa ang usapan. "Nasa'n nga pala ang baby ko?" nakangising bulong ko. Halos magkandirit ang mga tuhod kong makaalis kung saan kami nag-uusap. Gano'n katindi ang excitement ko na makita si Maxwell.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon