Chapter 5

24.6K 897 332
                                    




Maru's POV

Inaantok akong nagdri-drive pauwi. Ginabi na naman ako sa shop dahil may lalaking choosyng namimili ng bulaklak na halos lahat ng bulaklak namin pinakita na namin sa kanya pero wala syang napili. Nakakasar lang dahil mahigit isang oras namin syang in-entertain pero letche kahit isang bulaklak walang binili dahil ang papanget daw ng mga bulaklak namin. Sa totoo lang kung pwede lang, minura ko na yung letcheng lalaking 'yon. Ang arte, daig pa babae! imbis na nakauwi na kami kanina pa, ito kami pauwi pa lang, bwisit.

Nag-drive thru muna ako sa Mcdo para bumili ng pagkain ko. Hindi sinasagot ni Lorenzo ang tawag ko, tatanungin ko sana sya kung ano pagkain sa bahay pero letche isa din 'tong pinapainit ulo ko dahil hindi nya man lang sinasagot ang tawag ko o mag-reply sa text ko kaya no choice akong bumili na lang na pagkain ko.

Habang hinihintay kong ibigay sakin ang inorder ko ay sinubukan ko ulit tawagan si Lorenzo pero hindi nya talaga sinasagot. Pang-ilan na tawag ko na ba 'to sa kanya? fifteen? twenty? ah basta madami na pero hindi nya sinasagot.

Sumandal ako at napahilot ng sentido dahil sobra akong na-stress sa araw na 'to tapos hindi pa sinasagot ni Lorenzo ang tawag ko.

"Ma'am ito na po order nyo." napamulat ako at tumingin sa babae. Kinuha ko ang order ko at nagpasalamat sa kanya.

Nag-drive ulit ako pauwi habang kumakain ng cheese burger. Ayokong kumain ng rice ngayon. Saktong pagdating ko sa bahay ay natapos na akong kumain. Nakakunot ang noo ko nang makita ang sasakyan ni Lorenzo sa garahe. Nandito na sya pero hindi nya sinasagot ang tawag ko?

Pumasok ako sa loob at wala akong nadatnan na tao sa living room. Tahimik ang buong bahay. Naglakad ako patungo sa itaas. Nagtaka ako nung lumabas si Lorenzo sa kwartong tinutuluyan ni Acey. Pero nasagot naman ang tanong ko nung lumabas din si Acey na naka-bathrobe lang.

"Wow." sabi ko habang pumapalakpak pa. Gulat naman na napatingin sakin si Lorenzo. "Kaya pala hindi sinasagot ang tawag ko kasi busy. Hindi ka na talaga nahiya Lorenzo." pinanikitan ko sya ng mata. Tumingin ako kay Acey. "Fresh huh? kakatapos lang?" napataas kilay nya tapos ngumisi. Sinamaan ko sya ng tingin.

"I guess? may isang round pa sana kami kaso dumating ka." nakangisi pa rin nyang sabi.

"Acey." saway ni Lorenzo.

"Bakit Lorenzo? nabitin ka?" napatingin sya sakin.

"Maru look─"

"No, stop. Kung hindi mo lang naman sasabihin kung bakit ka nambabae, wag ka na lang mag-explain pa. Sawang sawa na ako kaka-sorry mo, Lorenzo. Hanggang kailan mo ba 'to gagawin sakin huh? hanggang kailan mo ako sasaktan, Lorenzo? kung hindi lang kay Kevin, nung una pa lang ay nilayasan na kita." may hinanakit na sabi ko.

"Maru." nagmamakaawang sabi nya pero umiling iling ako.

"Nasaan si Kevin?" tanong ko at naglakad papunta sa kwarto ni Kevin.

"Hindi kayo aalis dito Maru!" sabi nya habang nakasunod sakin.

Binuksan ko ang kwarto ni Kevin at wala akong Kevin na nakita. Hinarap ko si Lorenzo.

"Nasaan sya, Lorenzo?" tanong ko ulit.

"Kasama sya ni Jelly." sagot nya. Napatawa ako ng sarkastiko.

"Wala si Kevin at naiwan kayong dalawa lang dito sa bahay kaya nakakuha kayo ng pagkakataon gawin 'yon mismo sa bahay na 'to?" mariin na sabi ko. Hindi ako makapaniwala na rito talaga nila ginawa 'yon.

"Oh bakit? bahay naman 'to ni Lorenzo." sabat ng makating kabit.

"Wag kang sumabat dito dahil usapan 'to ng mag-ASAWA at hindi kasali ang KABIT." diniin ko talaga ang dalawang salita na 'yon para malaman nyang hindi dapat sya sumasabat dahil kabit lang sya.

"Whatever...beautiful." she said and winked. Hindi makapaniwalang napabuga ako ng hangin nung iwan nya kaming dalawa ni Lorenzo. What the heck?

"She's hot right?" may himig na pang aasar ni Lorenzo.

"Fuck you Lorenzo!" badtrip, sinong asawang matutuwa na harap harapan nyang sinabi na hot ang babae nya?

"Let's go to our room and do it." nakangiting pilyo nyang sabi. Napairap ako.

"Do it or I'll kill you Lorenzo." sigaw ni Acey. Nasa tapat na sya ng kwarto na tinutuluyan nya.

"Wow! asawa ka ba para sabihan sya ng ganyan?" sabi ko sa kanya. Ngumisi sya sakin.

"Hindi pero mas magaling ako sa kama." sabi nya. Tumaas lahat ng dugo ko sa ulo ko.

"Slut!" inis na sabi ko at handa na sana syang sugurin kaso pinigilan ako ni Lorenzo.

"Maru ano ba?!" sabi nya.

"Fuck you Lorenzo! Hindi na talaga ako natutuwa sayo lalong lalo na sa kabit mo!" sigaw ko sa kanya. "Ano naman kung magaling ka sa kama? letche kang babae ka ang landi mo! mas makati ka pa sa makati! Ano masarap ba huh? Masarap ba si Lorenzo kaya kumabit ka sa kanya?!"

"Maru tumigil ka na!" sigaw ni Lorenzo.

"Ikaw ang tumigil Lorenzo! ano ipagtatanggol mo 'yang kabit mo?!" tinuro ko pa ang makating kabit nya na nakatayo lang sa tapat ng kwarto nya at nakatingin samin. "Lorenzo tama na! ayoko na! Hindi ko kayang magtagal pa rito kasama 'yang kabit mo!"

"Ano ibig mong sabihin? aalis ka dito? sinasabi ko sayo Maru walang aalis sa bahay na to!" sigaw nya. Wow! sya pa ang may lakas ng loob para sabihan ako ng ganyan.

"Lorenzo! napakamasarili mo! asawa mo at kabit mo ipagsasama mo sa iisang bahay?! matinong bang tignan 'yon para kay Kevin?!" sigaw kong pabalik.

"Hindi naman alam ni Kevin ang tungkol kay Acey." mahinahon na nyang sabi.

"Kahit na hindi nya alam. Malalaman at malalaman nya na may kabit ka at pinatira mo pa rito!" sigaw ko ulit sa sobrang pagkagigil kay Lorenzo.

"Walang aalis." mariin na sabi nya. Napahilamos ako ng palad.

"Hindi mo ako mapipigilan, Lorenzo. Sobrang sakit na eh! ayokong magpakatanga dahil lang sa kabit mo!"

"Hindi mo na ba ako mahal at aalis ka sa bahay na to?" sya pa ang may ganang tanungin ako ng ganyan?

"Hindi mo na ba ako mahal kaya ka nambabae?" natahimik sya sa tanong ko. Nailing ako. "Gagawin ko ito dahil nasasaktan ako. Mahal kita, Lorenzo pero ang magpakatanga habang kasama ang kabit mo? hindi ko gagawin 'yon dahil mas lalo ko lang sasaktan ang sarili ko. Kita mo nga, walang tao sa bahay na 'to kundi kayong dalawa lang. Edi ginawa nyo hindi ba? sa tingin mo nakakatuwa 'yon? sana ginawa mo man lang sa labas na bahay na 'to, yung hindi ko madadatnan na ginawa ninyo, yung hindi ko mapapansin na ginawa ninyo, at least less pain 'yon 'di ba?"

Tahimik lang silang dalawang nakatingin sakin. Naglakad na ako palabas ng bahay.

"Maru! sandali!" rinig kong sabi ni Lorenzo. Mabilis na sinarado ko ang pinto ng bahay at nagmadaling pumunta sa sasakyan ko. Mabuti na lang ay hindi ko ipinapasok sa garahe ang sasakyan ko kaya mabilis akong makakaalis.

Saktong napaandar ko na ang sasakyan nung lumabas si Lorenzo ng bahay. Hindi nya ako na aabutan pa at hindi syang nagbalak pang habulin ako. Kahit na nasasaktan ako sa ginawa nya ay ine-expect ko na hahabulin nya ako pero hindi. Nakatayo lang sya roon sa tapat ng bahay.

Bumuhos ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Hanggang kailan ko ba 'to mararanasan?





---------------------------------------------------


KabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon