DP AKO NI CRUSH!

323 20 8
                                    

"Lord, kung totoo man itong nakikita ko, fles lang po!

Sana hindi ito panaginip..."

Una sa lahat, isa lang akong hamak na estudyante ng Kuyaneo University. Bukod sa pag-aaral, iisa lang ang ginagawa ko, ang iview ang account ni crush sa isang social website na nagngangalang senfai.com.paasa.

Hindi lang naman siguro ako ang gumagawa niyan no? Halos lahat naman siguro ng may crush, di lang pala may crush, yung iba vineview pa rin ang profile ng mga ex nila, baka sakaling may bago na.

Ouch :3

Buti nalang WBSF ako, Walang Boyfriend Since Fetus.

Masaklap? Oo sobra.

Pero di ko na 'yun pinansin, ang mahalaga may crush ako at syempre loyal ako!

"Sige, wacky!" Nagwacky naman ako, katabi ko ang bespren ko na ngumiti sa naka tripod na camera, isa itong class picture kasi graduating kami, buti nalang talaga kaklase ko si mesmrend at si crush!

1 week later...

"Kilala niyo ba si Win?" Tanong ko sa babaeng namimintura sa stage, busy-busyhan lahat ng mga 'Pintado Org.' ngayon dahil may upcoming event dito sa school namin, eh hindi ko nga alam kung ano 'yun? Basta may mga Lawn Tennis players na pupunta tapos maglalaro lang sila ng tumbang preso---pero syempre, joke 'yun, syempre maglalaro sila ng Lawn Tennis.

"Si Win Gachalian?"

"Gagu, hindi ito pangangampanya! Hinahanap ko crush ko! Nakita niyo ba siya? Si Dong Sicheng, yung exchange student dito?"

"Ah si Winwin? Hindi Win!" Giit niya. Nakangiti siya sa akin tapos binaling na niya ulit ang pagpipintura ng vector style na border sa ilalim ng stage, 'di ko alam kung anong trip nito.

"Ganun na nga, nakita mo ba siya?"

"Hanapan ba ako ng nawawala? Sabagay, pinapansin mo lang naman ako kapag may hinahanap ka, sana ako naman ang hanapin mo." Pagmamaktol nito at padabog na binabad ang malaking brush sa kulay yellow na pinturang Girlsen.

"WOW!" Napapaypay ako sa sarili ako at biglang nag dub!

"Loka ka Suzette! Ikaw pa ang humugot ah, imbes na ako dapat kasi hanggang crush lang ako!"

"Anong hanggang crush? Ikaw 'yung may crush, hindi siya!" Pagtatama niya. Ahe, sabagay tama siya. Bestfriend slash fangirl ko pala itong namimintura, akalain mo nga naman, swerte niya ako pa ang lumapit sa kanya dito.

"Hoy babae, ano pang ginagawa mo dito? Hindi Pintado Org. ang ching chang chong mong crush no! Nasa 'Mamamayang Manggagawa School Paper' siya. Diba nga, pinilit mo pa ang sarili mo sa Journalism eh alam mo namang lutang ka sa paggawa ng articles? O kahit maging cartooning eh hindi ka marunong? O kahit photo journ nalang nga, di pa magawan ng caption. Tao ka ba? O sadyang pinilit mong makapasok para makasama mo si chinito boy?"

Loka to, ako na sana ang mag iintro sa pinaggagawa ko sa buhay pero ito na, ayun na, nasabi na, salamat kaibigan.

"Oh edi meow!" Ang nasabi ko nalang saka nagwalkout. Papasok na nga lang ako sa org. namin, baka makita ko siya 'dun? Hihi.

"Tambak na naman ang mga articles! Wala na bang bago? Ikaw, Goyang? Umasa ako sa'yo na ang gagawin mong Intramurals na article eh yung last month, pero ano 'to? Nakaw ng google to ah at lalong hindi natin ito school, sa iba 'to."

ONE SHOT: DP ako ni Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon