34- Kruk Kruk Inamerch!!!

31K 856 66
                                    

Guuuys!!! Pasensya na sa title ng UD nato ha!!! wala kasi maisip ang lola nyo! hahahahh so eto na enjoy!!!

____________________

Kismeth's POV

Naglalakad kami ngayon papuntang field. Doon kasi gaganapin yung archery at magdedecide kung sino sa aming labinlima ang isasali.

" Hala ang lola mo di yata makagetover sa nangyari kanina!" Sydney. Ako ba talaga o sila? Eh mas affected pa sila kesa sakin eh tsss

" Oo nga hahaha! Nanahimik si ate ah!!?" Beks. Kelan ba ako nagingay -_-

" Gaga! Eh tahimik naman talaga yan eh!" Sagot naman nung isa. Jusko nagsasawa nako dahil kanina pa nila pinaulit ulit yang topic na yan. Simula nung yakapin ako ng haring hilaw na nakadrugs yata kanina. Tssssk kung di lang maraming nakatingin kanina baka nasapak ko na sya!

Nakarating kami sa field pero wala pa ang ibang top 15. Wala parin dito ang mga gangmates ko at kaunti parin ang mga tao. Tanging ang reynang hilaw lang ang nandito at mga alipores nyang apura retouch sa pagmumukha nya. Shit naman bat ginawa nang coloring book mukha nya?

" Yow Q!" Speaking of. Nag nod lang ako kay Jonas at sa mga gangmates kong kararating lang. Crystal approached beks na nasa tabi ko at busying busy sa pagtitig dun sa tatlong lalaki 😑 bakla talaga

" Hi! I'm Crystal!! You are??" Crystal with a wide smile on her face. Tsssk masyadong friendly we

" I'm Elric Johnson.. Ej nalang" beks answered pero dun parin sa tatlo nakatingin. Mabatukan nga

" Aray naman Kismeth eh!!" 😣 pabebe

" Hi ej! I'm Jonas, this ugly creature beside me is Keifer, and that one is Charles" nakatanggap naman ng sapok si Jonas kay Keifer. Gago rin eh

" Sino magrerepresent para sa archery?" Charles. Sasagot na sana ako ng biglang magtilian ang ibang estudyante. Napatingin naman kami sa gawi ng pinagkakaguluhan nila and there we saw the 8 monkeys. Tssss naalala ko na naman yung kanina.

" Mas mabuti pang intayin na natin silang makalapit para mapagusapan" Keifer. Agad namang lumapit sa amin ang reynang hilaw ng makitang papalapit na yung walong unggoy. Pabida ang pota -_-

" Yow Kismeth!" Bati nung anim paglapit nila sa amin. Nagnod naman sakin si Daisuke so I nod at him too in return. Napakunot naman ang noo ko ng mapansin ko ang hari na masama ang tingin kay Charles na ngayon ay katabi ko. Lema nito?

" So, paano ba ang mangyayari this time??" Beks na tumapos sa katahimikan.

" Two rounds ang archery ngayon. Isang individual at isang dyads. Sa individual, isang girl at isang boy ang magrerepresent. Pero sa dyads, 2 lalaki, 2 babae at panghuli ay isang babae at isang lalaki. Ang rules ay sasabihin mamaya bago magstart ang laban" Sydney. Paliwanag nya sa amin. Napatingin naman ako kay Crystal ng bigla nya akong tawagin.

" Q. Jueste er ole. Cuesto de proulo" ( Let's do it. We can't use that bitch) she said referring to reynang hilaw. Pakilaalala nga sakin na sabihan silang wag akong tawaging Q. Baka may makahalata eh

" Kayong dalawang babae nalang! Ayoko ng archery " reynang hilaw. Paki ko?

" Pinapasabi ng archery ayaw nya rin sayo" Crystal replied making the boys and Sydney laugh. Maging yung anim na unggoy napangiti rin.

" Tsss bitch! Gusto ko lang makita kung may silbi ba yang malanding yan!" Nahiya naman ang palda ko ha. Sa kanya pa talaga nanggaling yun

" Watch your word. Hindi mo kilala kung sinong binabangga mo" Charles na mukhang naubos na ang pasensya. Maging yung tatlo ay nagseryoso na rin. Tssss ayaw na ayaw talaga nila akong nilalait!

That Cold Nerd is the Sexy Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon