Chapter Fourteen

457K 14.5K 10.3K
                                    

SASKIA

"Gusto mo kaming ilipat ng bahay?" Umangat ang magkabilang kilay ko sa sinabi niya.

"Oo sana. If it's okay with you." Ngumiti siya. "I just want a safe environment for my child, Saskia. I'm concerned about your family and especially the baby's security. Tatlo lang kayong babae dito at bata pa si Cosme. Paano kung malooban kayo?"

"Lumaki na ako dito, Migs. Kilala na kami ng mga tao dito. Kahit naman sinusuka na kami dito ng mga mahaderang kapitbahay namin, tutulungan naman nila kami kapag nangyari yun. Ganito talaga dito. Syempre, dino ba bang magtutulungan kundi kami-kami rin." Sabi ko.

"I insist, Saskia." Lumiyad ang katawan niya sa akin. "I've already bought the house and had it furnished. You won't have to worry when it rains, hindi niyo na kailangan maglabas ng mga timba."

"Yun naman pala! Pumayag ka na, anak! Ang dami mong arte! Kapag hindi ka pumayag, kami ng mga kapatid mo na lang ang lilipat doon!" Singit ni Mammy.

"Oo nga naman! Para hindi na din akong magbayad ng renta sa apartment, syempre sasama ako sa inyo! Kailangan puro magaganda ang nakapaligid sa'yo habang naglilihi ka para kapag labas ni baby, beautiful just like Ninang Jodie." Masayang sabi ni Ninang Jodie.

"Kuya Migs, maganda ba yung bahay? Siguro sosyal dun no?" Usisa ng mahaderang si Yuka. "May bathtub ba dun, Kuya? Gusto ko kasing maranasan magbubble bath parang yung sa mga napapanood ko sa TV."

"Meron." Nakangiting sagot ni Migs.

"Ateeee! Pumayag ka na, please!" Pilit ni Yuka sabay kagat sa burger na pasalubong ni Migs. Kaya yang dalawang yan marinig pa lang nila ang boses ni Migs kala mo mga asong ulol na naglalaway. Tumitigil si Cosme sa pagbabasa at si Yuka sa pagdutdot sa phone niya kapag nandyan siya. Alam nila fiesta na naman dito sa bahay, marami na naman handa.

Sa halos araw-araw na pagdalaw niya, nakita ko naman kung gaano naging malapit ang loob ng pamilya ko sa kanya. Hindi naman kasi siya mahirap magustuhan at marunong siyang makibagay. Malapit siya sa mga kapatid ko lalo na kay Cosme na kahit hindi niya sabihin alam kong naghahanap din siya ng kalinga ng isang ama o ng kuya man lang. At kay Migs niya nahanap iyon.

"Tumigil nga kayo!" Saway ko sa kanila. "Kami lang ang nag-uusap dito. Hanggang dito lang usapan. Sabat kayo ng sabat. Kayo ba si Saskia ha?"

"Wala naman kayong kailangan alalahanin. I'll pay for all the expenses. Ako ang bahala sa mga bills sa bago niyong tutuluyan. This is for the baby's sake, Saskia. I want you to move out of here. Please?" Nakikiusap ang mga mata niya sa akin. Sa tuwing titignan niya ko ng ganyan para akong ice candy na natutunaw. Pag tinitignan niya ako para akong nahihipnotismo at kahit anong pagawa niya sa akin ay gagawin ko.

"Nakakahiya na sa'yo, ang dami mo ng natulong sa amin." Mahinang sabi ko.

"Sasabunutan na kita eh! Ang dami mong arte!" May bahid na inis sa boses ni Mammy. Panira naman 'to! Masama bang magpakipot ng konti?

"I'll give everything to ensure my child's well-being."

Oo nga naman, masyado kang ilusyunada Saskia! Feeling mo naman para sa'yo to! Ilusyunada ka talaga.

"Kung gusto mo talaga, hindi naman kita matatanggihan." Sagot ko.

"Thank you, Saskia." Pinigilan ko ang sarili kong mapasinghap ng hawakan niya ang mga kamay ko. Parang nakuryente ako ng dumampi ang mainit na palad niya sa akin.

Nagpadala agad si Migs ng maliit na truck para hakutin ang natitirang gamit namin papunta sa bagong bahay. Syempre, nagsilabasan ang mga tsismosang kapitbahay namin na parang mga langaw na nakaamoy ng sariwang tae.

Lipstick LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon